Kapuso Profiles video ni David Licauco, nagbigay kilig sa netizens!

Marami ang kinilig sa Kapuso Profiles video ng Pambansang Ginoo na si David Licauco na inilabas ng GMANetwork.com noong Huwebes, March 23.
Sa naturang Sizzle Reel, napanood ang tila point of view ng "girlfriend" ni David habang nasa romantic date ito kasama ang Kapuso heartthrob.
Samantala, umani naman ito ng samot-saring reaksyon mula sa netizens. May ilang supporters na na-curious kung sino ang babaeng kasama ni David sa video. May ilan ding nag-uumapaw ang kilig dahil sa nakakatunaw na titig at ngiti ng Sparkle star.
Sa kasalukuyan, mayroon na itong 384,000 views at 4,200 reactions sa Facebook at halos 20,000 views sa YouTube.
Samantala, basahin ang ilang mga komento ng netizens sa Kapuso Profiles video ni David sa gallery na ito:














