Kamakailan lang ay napanood si Atty. Lilet Matias (Jo Berry) sa hit murder-mystery drama series na Widows' War nang tulungan niya sa isang kaso ang karakter ni Rita Daniela na si Rebecca laban kay Aurora Palacios na ginagampanan naman ni Jean Garcia.
Pero hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng crossover episodes ang mga serye ng GMA Network. Katunayan, nitong nakaraang taon lang ay napanood ang ilang bida ng mga Afternoon Prime series sa ilang Primetime series.
Sa isang pagkakataon pa ay nag-crossover din ang mga bida ng ilang Afternoon Prime series sa kani-kanilang mga show.
Tingnan sa gallery na ito kung sino-sinong Kapuso stars ang nag-crossover sa ibang show:
Isa si Jo Berry sa mga pinakahuling nag-crossover sa ibang serye mula sa Afternoon Prime series niya na Lilet Matias: Attorney-at-Law, papunta sa murder mystery drama na Widows' War.
Napanood din si Rita Daniela bilang ang karakter niyang si Rebecca sa naturang legal drama na nagpapatulong kay Lilet makuha ang kaniyang mga anak mula kay Aurora Palacios na ginagampanan ni Jean Garcia.
Napanood din ang batikang aktres na si Jean Garcia sa Lilet Matias: Attorney-at-Law nang komprontahin niya sina Rebecca at Lilet para sa kasong sinampa ng una.
Tumawid din si Doc Analyn Santos (Jillian Ward) sa Primetime nang mag-guest siya sa hit action-drama series na Black Rider kasama si Ruru Madrid.
Matapos ang matinding bakbakan sa Black Rider, tumawid naman si Ruru Madrid sa medical-drama series na Abot-Kamay na Pangarap kasama si Jillian Ward.
Nakasama rin ni Ruru Madrid sina Empoy Marquez at Herlene Budol sa Abot-Kamay na Pangarap bilang mga karakter nila sa Black Rider na sina Oka at Pretty.
\Napanood din si Richard Yap bilang si Doc RJ Tanyag mula sa Abot-Kamay na Pangarap sa revenge drama series ni Herlene Budol noon na Magandang Dilag.
Naging guest din ang karakter ni Jillian Ward na si Doc Analyn Santos sa murder-mystery series na Royal Blood kung saan naging doktor siya ni Lizzy (Sienna Stevens).
Nagsilbing abogado naman ni Venus del Rosario (Max Collins) ng My Guardian Alien, si Atty. Aera Simmons (Analyn Barro) mula sa Lilet Matias: Attorney-at-Law.
Isa sa mga pinakaunang crossover na naganap sa pagitan ng Kapuso shows ay ang pagbabalik ni Ashley Ortega bilang si Jackie Sagrado, ang karakter niya sa Widow's Web, sa murder mystery drama sequel nitong Royal Blood.
Bukod kay Ashley Ortega, nauna nang napanood ang karakter ng co-star niyang si Vaness del Moral na si Hillary Suarez sa parehong serye.
Mula sa Widow's Web, dalawang beses pa nag-guest ang karakter ni Arthur Solinap na si Emil Bañez/Royales. Muli niyang ginanapan ang karakter niya sa Widows' Web, bago muling gumanap sa parehong role sa Royal Blood.