Kapuso stars, nagpasaya sa Kaisa Festival

Nagpunta ang ilang Kapuso stars sa Tarlac para makisaya sa Kaisa Festival nitong weekend. Nagpunta ang mga comedians na sina Boobay at Pokwang, Sparkle U: Soundtrip stars Michael Sager, Althea Ablan, at Zephanie, at Makiling cast na sina Brent Valdez, Kristoffer Martin, Thea Tolentino at Derrick Monasterio para pasayahin ang mga Kapuso doon.
Ang Kaisa Festival ay isang cultural at religious festival na isinasagawa sa Tarlac City para ipagdiwang hindi lang ang kultura pati na rin kasaysayan ng siyudad. Paraan din ito ng mga mamamayan para magbigay pugay kay San Sebastian, ang patron saint ng Tarlac City.
Tingnan kung paano napasaya ng Kapuso stars ang mga taga-Tarlac sa gallery na ito:



















