Kapuso stars, naki-fiesta sa Binarayan Festival sa Antique

Nakifiesta at nakisaya ang mga Kapuso stars na sina Kokoy De Santos, Prince Clemente, Kelvin Miranda, Raheel Bhyria at Gueco twins na sina Vito at Kiel sa nagdaang Binirayan Festival sa Antique.
Ang Binirayan Festival ay isinasagawa para ipagdiwang ang alamat ng pagdating ng sampung Bornean Datus sa isla ng Aninipay na ngayon ay tinatawag nang Panay. Layunin ng selebrasyon ay balikan ang pinanggalingan at ipagdiwang nag kultura nila.
Nagperform sina Kokoy, Prince, Kelvin, Raheel at ang Gueco twins sa naganap na Lin-ay Kang Antique pageant. Tingnan sa gallery na ito kung papaano napasaya ng mga Kapuso stars ang mga Antiqueños:










