Kapuso Stars, naki-fiesta sa Dinagyang Festival

Naki-fiesta ang ilang Kapuso stars sa nagdaang Dinagyang Festival sa Iloilo City. Dumayo roon ang Love. Die. Repeat. stars na sina Jennylyn Mercado at Mike Tan; ang Stolen Life actress na si Carla Abellana; at Sparkle hunk na si Bruce Roeland para mas pasayahin ang Kapuso Fiesta.
Ang Dinagyang Festival ay isinasagawa para ipagdiwang ang fiesta ni Sto. Nino. Itinuturing ang Dinagyang Festival bilang isa sa mga pinakamalaking festival sa Pilipinas, dinadayo ng mga turista.
Tingnan kung papaano napasaya nina Jennylyn, Mike, Carla, at Bruce ang mga Kapusong Ilonggo sa gallery na ito:









