Karylle, handa bang maging kaibigan si Dingdong Dantes?

Isa sa mga pinakanakakagulat na celebrity break up ay ang kina Karylle at Dingdong Dantes noong 2008. Ngayon na mahigit isang dekada na ang kanilang hiwalayan at may kaniya-kaniya na rin silang pamilya, handa na ba silang maging magkaibigan muli?
Sa kauna-unahang pagbisita ni Karylle sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, October 1, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang pagbisita ni Dingdong at ni Miss Charo Santos-Concio sa noon-time show na It's Showtime noong June, para i-promote ang pelikula nilang Only We Know.
Tanong ni Boy sa singer-TV host, “Was that awkward? What happened?”
Sagot ni Karylle, “I wouldn't have put myself in a situation na hindi ako handa siguro. Sometimes people judge na 'Bakit hindi mo hinarap?' Minsan hindi ka pa handa, so why would you put yourself in a situation na baka may mabagawa kang hindi exactly maganda. So I think it was okay.”
Tinanong din ng batikang host si Karylle kung posibleng maging kaibigan niyang muli si Dingdong, na dati niyang boyfriend. Inamin ng singer-actress na hindi siya sigurado kung “friend” ba ang tamang salita.
Paliwanag niya, “I would imagine, being people in the same industry, we could support each other like I see that he supports our movie, I did my best to try and support their own movie. So I think, supporting each other, maybe. The friendship, I don't think is in the cards anymore."
Samantala, alamin kung ano ang pinaka na-miss ni Karylle sa pagbabalik niya sa GMA sa gallery na ito:









