Kasal ni Jodi Sta. Maria kay Pampi Lacson, annulled na matapos ang 13 taon

GMA Logo Jodi Sta Maria Thirdy and Pampi Lacson

Photo Inside Page


Photos

Jodi Sta Maria Thirdy and Pampi Lacson



“It was indeed a test of faith and trust -- FAITH in God's promises and TRUST in God's timing.”

Iyan ang naging pahayang ng aktres na si Jodi Sta. Maria matapos pagbigyan ng Supreme Court ang kaniyang petisyon na ma-annul ang kasal nila ni Panfilo “Pampi” Lacson III.

Nag-post si Jodi ng isang quote at picture niya sa Instagram page, nang ianunsyo niya ang balita. Sa quote, nakasaad, “So I close my eyes to old ends, and open my heart to new beginnings.”

Sa caption ng post, inamin ni Jodi na hindi naging madali ang paghihintay niya, at hindi rin ito naging komportable.

Aniya, “It was frustrating, discouraging, and even heartbreaking. I cried, prayed, questioned, and complained. I made 'tampo,' asked for forgiveness, prayed some more.”

Pag-amin niya, gusto na niya noon sumuko, ngunit hindi siya pinabayaan ni God. Aniya, nang balikan niya ang lahat ng nangyari, masasabi niyang ang grace ni God ang nagbigay sa kaniya ng lakas para magpatuloy sa buhay.

“He had a purpose for the waiting. And that was made clear to me by the Lord,” sabi niya.

Nagbigay rin siya ng paalala sa mga taong naghihintay sa “waiting room” ni God, at nag-post ng isang Bible verse, “'When the time is right, I, the Lord, will make it happen.' - Isaiah 60:22.”

Sabi ni Jodi, hindi nagmamadali o hindi nale-late ang Diyos, at nagpaalala na maniwala lang na meron Siyang magagawa para sa mga taong naghihintay na masagot ang kanilang prayers.

“Trust He has a plan for you and that plan is even better than the one you have for yourself. And when God finally calls you out of the waiting room, don't forget to thank Him and give Him all the glory,” sabi niya.

Sa huli ay pinasalamatan ni Jodi ang mga taong laging nandiyan para sa kaniya na handa siyang tulungan, kabilang na ang kaniyang abogado para sa “guidance, patience, and friendship.”

“Thank you for never giving up on my case,” sabi niya.

“Now I can finally say…CASE CLOSED,” pagtatapos niya sa kaniyang post.

Nagbigay naman ng congratulatory messages ang ilan sa mga fan at kaibigan ni Jodi sa industriya, kabilang na ang kapwa aktres at kasalukuyang partner ni Pampi na si Iwa Moto.

Aniya, “Let's celebrate. Love you amor!”

Tingnan ang post ni Jodi dito:

TINGNAN ANG BLENDED FAMILY NINA JODI, PAMPI, AT IWA MOTO SA GALLERY NA ITO:


Family
Mommies
Friendship
Activities
Kids
Family events
Graduation
Jodi and Pampi
Father and son
Siblings
Kuya
Jodi and Iwa as moms

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd at Grand Parade, Ritual Showdown hits 3.3M
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE
24 Oras Weekend Express: January 18, 2026 [HD]