Kasambahay, iibig sa biyudong amo sa 'Magpakailanman'

Isang age gap love story ang tampok sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "Amo Ko, Mahal Ko," kuwento ito ng isang kasambahay na iibig sa biyudo niyang amo na si Wilmar.
Caregiver si Juliet ng na-stroke at bedridden na asawa ni Wilmar. Nang pumanaw ito, ipagpapatuloy ni Juliet ang pamamasukan bilang kasambahay ni Wilmar.
Liligawan ni Wilmar si Juliet kahit tutol ang pamilya nito. Bukod kasi sa magkaibang estado sa buhay, malaki rin ang agwat ng kanilang mga edad.
May pagkakataon ba silang magsama at magmahalan?
Abangan ang brand-new episode na "Amo Ko, Mahal Ko," March 14, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






