Relationship

Kathryn Bernardo at Mark Alcala, sweet na sweet sa Thailand?

GMA Logo Kathryn Bernardo and Mark Alcala relationship
Photo by: notyourelena (X)

Photo Inside Page


Photos

Kathryn Bernardo and Mark Alcala relationship



Kompirmasyon na ba ang bagong litrato nina Kathryn Bernardo at Mark Alcala ng kanilang relasyon na lumulutang sa social media?

Bagamat hindi na ito shocking news, marami pa rin ang nagulat sa tila pa-soft launch ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo at ng rumored boyfriend nito na si Lucena City Mayor Mark Alcala sa isang mall sa Thailand.

Sa X (dating Twitter), isang netizen ang nag-post ng stolen shots o photos nina Kathryn at Mark na magkahawak ang mga kamay habang nakasakay sa escalator ng EmSphere Mall sa Bangkok, Thailand.

Bukod pa rito, pinaghihinalaan din ng netizens na braso ng butihing mayor ang nakita sa Instagram video ni Kathryn. Ang bracelet na suot sa braso ang ginawang basehan ng mga mapanuring netizens para masabi ito.

Sa video, makikita si Kathryn at ang kaniyang mga kaibigan na kasama sa Thailand. Wala man si Mark sa mga eksena, sa isang eksena, makikitang naka-angkla ang kamay ng aktres sa braso ng lalaki na may suot na bracelet, ngunit hindi pinakita ang mukha.

RELATED CONTENT: BALIKAN ANG ILAN SA HOTTEST SHOTS NI KATHRYN SA GALLERY NA ITO:

Ngunit ang masayang “soft-launch” nina Kathryn at Mark ay umani lang ng mga samot-saring komento mula sa fans ng aktres na hindi ganoon ka-boto sa alkalde.

Komento ng isang netizen, hirap daw silang ipagtanggol ang kanilang idolo mula sa bashers dahil “downgrade” ang ginawa nito.

Sabi naman ng isa pang netizen, napunta lang si Kathryn mula sa isang cheater papunta sa isa pang cheater.

Sabi pa ng isang netizen, “Girl...he's not worth all of this embarrassment. Get the f*ck up miss mam.”

Source: notyourelena/X


Kung merong against sa rumored relationship nina Kathryn at Mark, meron din namang sumusuporta ang kanilang idolo na hiling lamang ay sumaya ang aktres.

“Sa 11 years na puro pasakit, deserve rin naman siguro lumigaya si Kath. As long as masaya siya, hayaan niyo na. Wala naman na tayong alam sa mga buhay-buhay nila…” sabi ng netizen.

Meron din nagsabi na wala namang masama sa relasyon ng dalawa kung totoong meron nga dahil pareho naman single sina Kathryn at Mark. Sabi pa ng netizen, deserve din naman ni Kathryn na sumaya.

Marami rin ang nagsasabi na huwag na lang pakialaman ang relasyon ni Kathryn ngayon, lalo na't mukhang masaya naman ito.

Source: notyourelena/X


Matatandaan na noong November 2023 nang kumpirmahin nina Kathryn at dating boyfriend nitong si Daniel Padilla ang pagtatapos ng kanilang 11-year relationship. Samantala, February 2026 naman nang magsimula ang mga haka-haka ng netizens tungkol sa totoong relasyon ng aktres kay Mark.


RELATED CONTENT: Meet Mark Alcala, Lucena's young leader who is getting a lot of buzz


Mark Alcala
Mayor
Youngest mayor
Education
Sports
Family
Politics
Youth Ambassador
Lucena
Relationships
Rumors
Private

Around GMA

Around GMA

Alex Eala’s clay-court swing: Upcoming tournaments, schedule, and season recap
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival
How the latest smartphones are embracing the beauty of the unfiltered journey