Kathryn Bernardo, handa nang magmahal muli

Matapos ang kanyang 11-taon relasyon, handa na muling magmahal ang aktres na si Kathryn Bernardo?
Sa Fast Talk with Boy Abunda, diretsahang tinanong ng King of Talk na si Boy Abunda si Kathryn kung handa na siyang magmahal muli.
"Yes," seryosong sagot ni Kathryn, "Kahapon pa!"
Napag-usapan rin ni Kathryn at Tito Boy kung ano ang natutunan niya sa 11-taong relasyon niya sa dating ka-loveteam at aktor na si Daniel Padilla.
"It's safe to say na I'm pretty strong. I didn't expect myself, I think all the people here, didn't expect na I will handle it that way. Me too, I didn't expect it," sagot ni Kathryn.
"It's just that, that moment in my life tested my faith so much, and feeling ko sobra po akong na-guide non. Ang galing."
Kung makababalik si Kathryn sa nakaraan, anong payo kaya ang maibibigay niya sa kanyang sarili bago siya pumasok sa relasyon?
"You know, nothing. I don't regret anything. Ayoko siyang pangunahan, I want you to experience all the happiness, all the pain. Alam kong maraming magke-question but it's just 11 beautiful years, and grabe 'yung naging, kung ano 'yung nakikita niyo ngayon, ang laking part nung 11 years na 'yun," paliwanag ni Kathryn.
"So, kung nandyan si little Kath, sasabihin ko, 'Ayoko kitang pangunahan. I want you to experience all these emotions, all these things kasi its gonna be a big part of your growth."
Mapapanood muli si Kathryn sa mga sinehan sa buong mundo sa Hello, Love, Again, kasama ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards simula November 13.






