Katrina Halili, Ashley Rivera, on fierce action roles in 'Black Rider'

Bumida sa October 18 episode ng 'Fast Talk with Boy Abunda' sina Katrina Halili at Ashley Rivera. Parehas kabilang sa upcoming GMA Telebabad series na Black Rider ang dalawa. Gaganap bilang Romana si Katrina at Paloma naman si Ashley--magkapatid na magpapakita ng taglay nilang tibay at tapang.
Kwento ng dalawang aktres, napasabak sila sa iba't ibang martial arts para sa 'Black Rider.'
Ayon kay Katrina, "May double po pero ginagawa rin namin. Pinapagawa rin sa amin."
Mula sa Jiu-jitsu, Muay Thai, at iba pang martial arts, nagsanay sina Katrina at Ashley para sa iba't ibang action scenes ng 'Black Rider.'
Kasama rin sa cast ng 'Black Rider' sina Matteo Guidicelli, Roi Vinzon, Maureen Larrazabal at Ruru Madrid bilang si Elias Guerero, ang Black Rider.
Mapapanood ang 'Black Rider' simula November 6, pagkatapos ng '24 Oras.'
Tignan ang highlights ng 'Fast Talk with Boy Abunda' interview nina Katrina Halili at Ashley Rivera:







