KC Concepcion inamin na okay sila ng kaniyang ina na si Sharon Cuneta

Ikinuwento ni KC Concepcion ang kaniyang buhay bilang anak ni Megastar Sharon Cuneta at kung kumusta na ang samahan nilang mag-ina.
Ibinahagi ito ni KC sa interview niya kay Ogie Diaz na ipinalabas sa YouTube channel ng huli ngayong August 30.
Tanong ni Ogie, "Kayo ni Sharon ano'ng status? Kasi every time na Sharon cries tuwing binibisita mo siya parang sobrang na-miss siguro ni Sharon si KC."
Kuwento ni KC ay alam niyang mas expressive lang ang kaniyang mama sa kaniyang emosyon.
PHOTO SOURCE: YouTube: Ogie Diaz
"I think mas expressive lang si mama. Ako kasi mas conservative ako in a way kapag mayroon akong nararamdaman minsan hindi ko siya ma-express kaagad."
Ayon kay KC, natutunan niyang maging matatag para sa kaniyang ina simula bata pa lamang siya.
"'Pag nakikita kong umiiyak siya, ang training ko kasi tito noong lumalaki ako, kaming dalawa lang magkasama, kunwari na-heartbroken siya, mayroon siyang relationship na hindi natuloy, iiyak 'yan sa bahay."
RELATED GALLERY: KC CONCEPCION'S LIFE IN THE US:
Pinayuhan raw si KC ng kaniyang lola na si Elaine Cuneta na maging matatag para kay Sharon.
"Sasabihin ng lola ko, 'You'll be strong for your mama ha? She's sad, you make her happy.' So lumaki ako ganoon 'yung training ko. Kapag nakikita ko ang nanay ko na umiiyak hindi ako puwedeng umiyak. Kailangan ako 'yung strong."
Nilinaw naman ni KC na hindi man siya expressive tulad ng kaniyang ina alam niyang sobra ang pagmamahal nila sa isa't isa.
"Mayroon din akong love sa mommy ko na parang hindi ko lagi na-e-express siguro. Pero pareho kami ni mama na sobra kaming magmahalan pero aminado rin naman kami na magkapareho kami in so many ways and just like she said, may times na magkaiba rin kami."
Saad ni KC okay sila ng kaniyang mommy at mahal nila ang isa't isa.
"Okay kami, we love each other very much."
SAMANTALA, TINGNAN ANG PHOTOS NI KC KASAMA ANG HALF-SIBLINGS SA GALLERY SA IBABA:



















