Fast Talk with Boy Abunda
KC Concepcion, ipinaliwanag ang kaniyang 7 taong hiatus

Ilang taon ding hindi napanood si KC Concepcion sa TV at mga pelikula. Kaya naman, sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda, sinagot ng aktres ang tanong ng marami; ayaw na ba ni KC sa showbiz?
“Of course not, dito na po ako lumaki and dito na rin apo ako, not namulat, pero maganda po 'yung feeling na parang pag bumabalik po ako, parang home,” sagot ni KC sa October 29 episode ng GMA Afternoon Prime talk show.
Pagpapatuloy pa ng aktres, naniniwala siya sa kasabihan na “Once an artista, always an artista.”
Ngunit bakit nga ba matagal hindi napanood si KC? Alamin sa gallery na ito:









