Masayang-masaya ngayon ang buhay pag-ibig ng aktres na si Keanna Reeves.
Si Keanna ay karelasyon ngayon ang singer-actor na si Briant Scott Lomboy. Sa kanilang social media accounts, proud nilang ipinakikita ang kanilang sweet moments, date, at pamamasyal sa iba't ibang lugar.
Narito ang mga sweet photos nina Keanna at Scott:
Makulay ang buhay pag-ibig ngayon ng aktres na si Keanna Reeves dahil sa magandang relasyon nila ng singer-actor na si Scott Lomboy.
Ayon sa mga ulat ay isang taon na ang relasyon nina Keanna at Scott.
Aminado naman si Keanna Reeves sa agwat ng kanilang edad ni Scott Lomboy.
Itinanong ni Aiko Melendez sa kanyang YouTube channel kung bakit gusto ni Keanna Reeves ng mas bata sa kanya. Natatawang sagot ni Keanna, "Siyempre fresh 'di ba?"
Isa pa sa itinanong ni Aiko Melendez ay kung pangmatagalan ba ang pakikipagrelasyon ni Keanna Reeves sa mas bata ang edad sa kanya. Sagot ni Keanna, "Parang 'yun kasi 'yung happiness ko. Ayoko kasi magjowa na kahit hindi ko gusto. For what? Bakit ako magjowa?"
Ayon kay Keanna Reeves ay "relationship goals" sila ng kanyang boyfriend na si Scott Lomboy.
Inilahad ni Keanna Reeves na bukod sa pagiging magkarelasyon nila ni Scott Lomboy ay business partners din sila ng kanilang cafe.
Makikita sa posts nina Keanna Reeves at Scott Lomboy na "babe" ang kanilang tawagan sa isa't isa.
Inseparable rin sina Keanna Reeves at Scott Lomboy base sa kanilang Instagram posts.
Makikita sa iba't ibang lugar at events sina Keanna Reeves at Scott Lomboy.
Sa isang post ay ipinakita ni Scott Lomboy ang pagsisimba nila ni Keanna Reeves. Saad ni Scott, "After magsara sa coffee shop habang nagkukwentuhan natopic ng isang kaibigan ang simbahan. Kaya hanggat mejo maaga pa sabi ko agad Babe simba tayo!! For the past weeks nabusy, nastress at nag focus sa @celeb_cafe !! Pero masaya & challenging of course. Salamat po Papa God sa biyaya at pagkakataon na ipinagkaloob niyo sa amin."
Magkasama rin sa pag-workout sina Keanna Reeves at Scott Lomboy.
Sa mga post ni Keanna Reeves, lagi silang magkasama ni Scott Lomboy sa simbahan para magpasalamat.
Makikita sa social media na masayang magkasama sina Keanna Reeves at Scott Lomboy sa kahit anong okasyon.
Sina Keanna Reeves at Scott Lomboy ay namamasyal kasama ang kanilang mga kaibigan.
Proud sa kanilang café sina Keanna Reeves at Scott Lomboy.
Ibinahagi ni Keanna Reeves na mapapanood ang kanilang negosyo sa 'Farm to Table' sa GTV.