Kelvin Miranda, nami-miss ang intimate scenes nila ni Beauty Gonzalez

Pinakilig nina Kelvin Miranda at Beauty Gonzalez ang hapon nang mag-guest sila ngayong Lunes, February 26, sa Fast Talk with Boy Abunda.
Litaw na litaw pa rin ang chemistry ng Kapuso love team kahit ilang taon silang hindi nagkatrabaho bilang magka-love team.
Taong 2021 pa nila shinoot ang huli nilang proyekto, ang pelikulang After All, na ipalalabas na simula sa Miyerkules, February 28, sa mga piling sinehan nationwide.
Sa kuwentuhan nila kasama ang King of Talk of na si Boy Abunda, naging emosyonal si Beauty nang mapag-usapan ang successful loveteam nila ni Kelvin na una niyang nakatambal sa GMA series na Loving Miss Bridgette, na parte ng drama romance anthology na Stories from the Heart.
Aniya, "This is my first love team talaga in my acting career. Actually, ito 'yung show na nagkaroon ako ng love team kasi it's always the four, the three, the support. Sa GMA ako binigyan ng unang show na may love team talaga and, now, may movie kami. Nakakataba ng puso and may regalo kami sa fans na sumusuporta sa 'ming loveteam at my age."
Nagbigay-daan ang Loving Miss Bridgette para maituloy ang kanilang pinag-uusapang love team sa big screen.
Ayon kay Kelvin, na-miss niyang kaeksena si Beauty sa tuwing sila ay mayroong intimate scenes.
"Na-miss mo 'yung moments na nagbabatuhan kayo ng linya na magkatapat. Siyempre, 'yung kissing scenes dito sila 'yung nag-guide sa 'min do'n. Sobrang nahihiya ako, first time ko kasi gawin 'yung gano'ng klaseng scene sa TV so nakikinig ako. 'Di ko alam kung paano ko ia-approach, parang nahihiya pa ko aminin. Kay direk ko pa sinasabi, 'di pa ko umaamin sa kanya na 'di ko alam kung paano gawin."
Hirit ni Beauty, madali lang naman ka-eksena si Kelvin sa tuwing sila ay may kissing scene dahil sa hitsura ito.
Pagpapakatotoo niya, "Magpapaka-plastic pa ba ako? Mahirap makipaghalikan 'pag, you know, 'di gano'n [ka-gwapo.] 'Pag gwapo, kahit nakapikit, go."
Narito ang pasilip sa ilang eksena nina Kelvin at Beauty sa After All.






