Encantadia Chronicles: Sang'gre
Kelvin Miranda, thankful sa 'Sang'gre' viewers; may pasilip na behind-the-scenes sa set

Thankful si Kelvin Miranda sa mainit na suportang natatanggap ng kanyang pinagbibidahang hit fantaserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa pagbubukas ng bagong yugto ng GMA superserye, ipinarating ni Kelvin sa isang Instagram post na marami pa silang "inihain" na dapat na abangan ng manonood.
"Maraming salamat sa lahat ng sumusubaybay. Marami pa kaming inihain para sa inyo kaya tutok at kapit lang," sabi ni Kelvin.
Ipinasilip din ng aktor ang ilang behind-the-scenes ng kanyang mga eksena bilang Adamus habang nakikipaglaban sa mundo ng mga tao kasama ng iba pang new gen Sang'gres na sina Faith Da Silva, Angel Guardian, at Bianca Umali. Silipin sa gallery na ito:







