News

Ken Chan, muling nagparamdam sa social media; ikinatuwa ng fans

GMA Logo ken chan memorable roles
Photo source: Ken Chan (FB)

Photo Inside Page


Photos

ken chan memorable roles



Ramdam na ramdam pa rin ang pagmamahal at pananabik ng fans para sa Kapuso actor na si Ken Chan.

Sa isa sa kanyang latest Facebook posts, muling nagparamdam ang aktor sa kanyang fans sa pamamagitan ng pag-post ng "Hi" emoji.

Sa comments section ng kanyang post, nag-iwan din siya ng heart emoji at teary-eyed emoji, na ikinatuwa ng kanyang mga tagahanga. Marami ang nag-isip na isa itong paraan ng aktor upang ipakitang nami-miss din niya ang mga patuloy na sumusuporta sa kanya.

Hindi naman napigilan ng kanyang fans at followers na mag-react sa kanyang simpleng post. Marami ang nagpahayag kung gaano nila nami-miss ang aktor at sinabing sabik na silang makita siyang muli sa telebisyon.

Marami rin ang patuloy na tumatawag sa kanya na "Boyet," ang kanyang karakter na minahal sa 2018 series na My Special Tatay.

Noong 2024, nasangkot si Ken sa kasong syndicated estafa, na isinampa laban sa kanya ng dati niyang co-investor.

Inanunsyo rin niya ang pansamantalang pagpapahinga sa showbiz noong June 2024 dahil sa health reasons.

Ang huli niyang proyekto sa telebisyon ay ang pagganap bilang Doc. Lyndon sa Abot-Kamay na Pangarap.

RELATED GALLERY: Ken Chan's most memorable characters


My Special Tatay
Autism
Destiny Rose
Trans woman
Meant To Be
Yuan Lee
One of the Baes
The one
Ang Dalawang Ikaw
Mental disorder
Richard Lim
Ken Chan and Bianca Umali
'Third Is My First'
'That Thin Line Between'
Bond
'Mano Po Legacy: Her Big Boss'
Role
'Huling Ulan sa Tag-araw'
Entry
'Regal Studio Presents: Your House, My Home'
Reunited
'Papa Mascot'
Story

Around GMA

Around GMA

Agri chief sees leverage in slower June inflation for fresh rice price cap
Duterte goes to Senate on Day 2 but not attending trial
Heart Evangelista meets Max Mara designer Laura Lusuardi