Kevin Dasom mourns the passing of his father

Nagluluksa ngayon ang Kapuso star at Binibining Marikit actor na si Kevin Dasom dahil sa pagpanaw ng kaniyang ama.
Sa Instagram Stories inanunsyo ni Kevin ang masamang balita kasabay ng kanyang paliwanag kung bakit matagal siyang hindi naging aktibo sa social media.
“Hi, everyone, sorry I've been absent from social media, my family is dealing with the passing of my father. I'll get back to everyone shortly,” saad ni Kevin.
Kevin Dasom father's death announcement
Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang Thai actor tungkol sa pagpanaw ng kaniyang ama.
Si Kevin ang pinakahuling namatayan ng pamilya dahil kamakailan lang ay pumanaw din ang lolo ni Pambansang Ginoo David Licauco. Bago pa iyon, inanunsyo rin ng Kapamilya actress na si Maymay Etrata ang pagpanaw ng kaniyang ina.
SAMANTALA, TINGNAN ANG CELEBRITIES NA NAGLULUKSA SA PAGKAMATAY NG KANILANG PAMILYA SA GALLERY NA ITO:






















