Kidnapper, magkukunwaring fiance sa 'Regal Studio Presents: My Amnesia Lover'

Isang hindi malilimutang love story ang tampok sa bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'
Isang kidnapper ang magkukunwaring fiance sa episode na pinamagatang "My Amnesia Lover."
May malaking utang sa sindikato si Popoy (Prince Clemente). Para mabayaran niya ito, kailangan niyang kidnapin ang mayamang businesswoman na si Angel (Lianne Valentin).
Habang nasa getaway car, maaksidente sila at magkakaroon ng amensia si Angel.
Aalagaan siya ni Popoy at magpapakilala ito bilang fiance niya. Kahit walang maalala, heartbroken at kagagaling lang sa breakup ni Angel kaya magugustuhan niya ang pag-aaruga ni Popoy.
Babalik pa kaya ang mga alaala ni Angel? Paano haharapin ni Popoy si Angel kung sakaling bumalik ang memories nito?
Abangan ang brand-new episode na "My Amnesia Lover," February 25, 4:15 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






