Kiefer Ravena, Diana Mackey reveal miscarriage of first baby

Ibinahagi ng newlyweds na sina Kiefer Ravena at Diana Mackey na nawala ang ipinagbubuntis na sanggol ng beauty queen dahil sa miscarriage.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, June 30, tinanong ni King of Talk Boy Abunda sina Kiefer at Diana tungkol sa spekulasyon na buntis ang beauty queen noon.
Pagbabahagi ni Diana, “Shortly after announcing it, I think a week after announcing it or two weeks, we lost the baby, unfortunately, at seven weeks.”
Sa kabila ng nangyari, ayon kay Kiefer, ang importante ngayon ay ligtas at maayos ang kalusugan ng kanyang asawa. Malaki rin ang paniniwala nila na darating ang kanilang bundle of joy “in God's grace.”
“But you know God's plan, God's timing, best thing siguro that happened is now she's healthy. Hopefully, with God's grace, we could try again and see where it takes us,” sabi ni Kiefer.
Matatandaan na noong March, inanunsyo nina Kiefer at Diana sa sa Instagram page ng basketball athlete na buntis na ang kanyang mapapangasawa. Nag-post sila ng litrato ng isang sonogram, at dalawang basketball shoes para sa baby.
“MARCHing together in this beautiful journey with @dianacmackey. You are Amazing and You are destined to be a Super Mommy,” caption ni Kiefer sa kanyang post.
Ipinahayag din niya ang kanilang excitement na makita at makasama ang kanilang anak.
Na-engage sina Kiefer at Diana noong October 30, 2024, at ikinasal nitong June 11, 2025.
SAMANTALA, BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAGING BUKAS SA USAPIN NG KANILANG MISCARRIAGE SA GALLERY NA ITO:



























































