Kilalanin ang mga bagong tauhan sa 'Lolong: Pangil ng Maynila'

Magsisimula na ang bagong yugto ng pangalawang season ng primetime series na Lolong.
Tatalikuran na ni Lolong (Ruru Madrid) ang buhay niya sa Tumahan matapos mawala ang pinakamamahal niyang sina Elsie (Shaira Diaz) at Tiya Isabel (Tetchie Agbayani).
Mapapadpad siya sa Maynila kung saan sismulan niya ang kanyang bagong buhay.
Mas malaki at mas mapanganib ang haharapin niyang mga pagsubok at kaakibat nito ang iba't ibang mga taong makikilala niya.
Abangan ang mas matalas na pangil na hustisya sa bagong yugtong Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, simula March 27, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.
Samantala, kilalanin ang mga bagong tauhan ng Lolong: Pangil ng Maynila dito:












