News

Kilalanin ang mga bida ng 'Gabi ng Lagim: The Movie'

GMA Logo Jessica Soho, Sanya Lopez, Jillian Ward, Elijah Canlas, Miguel Tanfelix

Photo Inside Page


Photos

Jessica Soho, Sanya Lopez, Jillian Ward, Elijah Canlas, Miguel Tanfelix



Ang paboritong Halloween special ng Kapuso Mo, Jessica Soho, na puno ng katatakutan at kababalaghan, mapapanood na bilang isang pelikula soon!

Noong February 2024 nang ianunsyo ng GMA Public Affairs na isasapelikula na ang naturang special. Nakilala sa titulong “Gabi ng Lagim,” tampok rito ang real-life horror stories mula sa mga panayam sa iba't ibang tao, photos, videos, at audio encounters na na-record at pinadala sa KMJS.

Nitong Martes, September 30, nagkaroon ng photoshoot ang cast ng “Gabi ng Lagim: The Movie,” kung saan ilan sa mga bida nito ang dumalo. Kabilang dito sina Sanya Lopez, Jillian Ward, Elijah Canlas, at Miguel Tanfelix. Kasama rin nila ang host at broadcast journalist na si Jessica Soho.

Tingnan ang ilang behind-the-scenes ng photoshoot sa gallery na ito:


Jessica Soho
Jessica and Jillian
Jillian Ward
Elijah and Sanya
Sanya Lopez
Elijah Canlas  i
Miguel Tanfelix

Around GMA

Around GMA

Kim Molina still 'confused' as husband Jerald Napoles greets Gerald Anderson a happy birthday
Fajardo, Ando lead honorees in 40th Cebu Sports Awards
Nikko Natividad's wife Cielo Eusebio speaks up about viral intimate video scandal