Kilalanin ang mga bida sa Thai fantasy series na 'My Ambulance'

GMA Logo My Ambulance

Photo Inside Page


Photos

My Ambulance



Patuloy na kinakikiligan ngayon sa Heart of Asia Channel ang cute medical rom-com series na My Ambulance, na nagsimulang umere noong July 10.

Ang My Ambulance ay pinagbibidahan nina Davika Hoorne, Sunny Suwanmethanont, Wongravee Nateetorn, at Kanyawee Songmuang. Kasama sina Pookie Paweenut Pangnakorn, Billkin Putthipong Assaratanakul, Pond Ponlawit Ketprapakorn, Milo Chayapat Wiratyosin, Bank Thiti Mahayotaruk, Toptap Napat Chokejindachai, PP Krit Amnuaydechkorn, at Maki Machida Sutthikulphanich.

Tampok sa My Ambulance ang magical story ng hopeless romantic girl na si Melissa (Davika Hoorne) na 15 taon nang in a relationship sa emergency doctor na Jeric (Sunny Suwanmethanont).

Nagsimula ang kuwento ng kanilang kakaibang relasyon nang tangkain ni Melissa noon na magpakamatay matapos ang biglaang pagkawala ng kanyang mga magulang. Nang mahulog sa bangin, tinawag ni Melissa ang pangalan ni Jeric at humingi ng tulong. Bigla na lamang may bumagsak na tila isang shooting star papunta kay Jeric. Dito na nagsimulang marinig ni Jeric ang paghingi ng tulong sa kanya ni Melissa at agad na napunta sa kinaroroonan nito.

Sa 15 taong relasyon, unti-unting humina ang magical power ni Melissa kay Jeric, lalo na sa pagdating ng batang doktor na si Anjo (Wongravee Nateetorn). Dito na nagsimulang kuwestiyunin ni Melissa kung mahal pa rin nga ba siya ni Jeric dahil napupunta na ang magical power na ito kay Anjo.

Kilalanin ang cast ng My Ambulance sa gallery na ito:


Melissa
Jeric
Anjo
Ciara
My Ambulance

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants