advertisement
TV

Kilalanin ang mga karakter nina Heath Jornales, Marco Masa, Clifford, at Caprice Cayetano sa 'You're My Favorite Song'

1 of 8

Caprice Cayetano as Angel

Malapit na nating mapanood si Caprice Cayetano bilang si Angel sa kanyang kauna-unahang pagbida sa isang serye sa telebisyon, ang You're My Favorite Song.

2 of 8

Heath Jornales as Miguel

Gagampanan naman ni Heath Jornales ang musically inclined na karakter ni Miguel.

3 of 8

Marco Masa as Zion

Makikilala na rin natin ang best friend ni Angel na si Zion na gagampanan naman ni Marco Masa.

advertisement
4 of 8

Clifford as Calix

Si Clifford naman ang gaganap sa karakter ni Calix na isa sa magiging academic rivals ni Angel.

5 of 8

CapCo

Abangan ang kakaibang onscreen chemistry nina Caprice Cayetano at Marco Masa bilang sina Angel at Zion!

Mapanatili kaya nila ang kanilang pagkakaibigan, o may mas malalim pa palang himig ang tibok ng kanilang mga puso?

6 of 8

CapFord

Mula sa pagiging mahigpit na academic rivals, may puwang kaya ang pagkakaibigan sa pagitan nina Angel at Calix?

Tiyak na aabangan ng lahat ang tapatan at kilig sa pagitan nina Caprice Cayetano at Clifford!

advertisement
7 of 8

CapEath

Mapupuno ng musika at tamis ang inyong mga hapon sa pagsasama nina Caprice Cayetano at Heath Jornales.

Sabay-sabay nating alamin kung paano babaguhin nina Angel at Miguel ang buhay ng isa't isa sa pamamagitan ng kanilang musika at pagkakaibigan.

8 of 8

Listen To Your Heart

Malapit na natin marinig ang tibok ng puso ng bawat karakter sa upcoming series na You're My Favorite Song, ngayong June na sa GMA Afternoon Prime!

Around GMA