Kilalanin ang palabang cast ng triple-plot drama series 'Lovers/Liars'

Nagsimula na ang tatlong kuwento ng relasyon sa pinakabagong collaboration series ng GMA Network at Regal Entertainment, ang Lovers/Liars. Lahat may sikreto! Sino nga ba ang totoo? Sino ang nagsisinungaling?
Pinagbibidahan ang seryeng ito nina Optimum Star Claudine Barretto, Shaira Diaz, Yasser Marta, Rob Gomez, Kimson Tan, Michelle Vito, Sarah Edwards, Polo Ravales, Christian Vazquez, at Lianne Valentin. Makakasama rin nila sa serye sina Dj JhaiHo at Marnie Lapuz.
Ang Lovers/Liars ay mula sa direksyon ni Crisanto Aquino at likha nina Jose Javier Reyes at Noreen Capili.
Subaybayan ang Lovers/Liars, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.









