Kilalanin ang top celebrity taxpayers noong 2022

Kinilala ng Bureau of Internal Revenue Region No. 7A ang top celebrity taxpayers para sa taong 2022. Sakop ng Bureau of Internal Revenue Region No. 7A ang Quezon City, kabilang ang mga lugar tulad ng Novaliches, North Quezon City, South Quezon City, at Cubao.
Para hikayatin ang publiko na magbayad ng buwis sa oras, kinilala nila ang ilang top celebrity tax-payers para sa 2022. Idinaos ito noong Miyerkules, March 8 sa isang mall sa Quezon City.
Dumalo ang kilalang love team at real-life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pati na ang TV host na si Willie Revillame, Anne Curtis, Maja Salvador, at Coco Martin para personal na tanggapin ang kanilang parangal. Ilang mga personalidad tulad ni 'Eat Bulaga' host Vic Sotto at singer-actress Sarah Geronimo ang nagpadala naman ng video messages.
Kilalanin ang top celebrity tax-payers para sa 2022 dito.













