KILALANIN: Cast ng 'Raising Mamay'

GMA Logo Raising Mamay

Photo Inside Page


Photos

Raising Mamay



Matapos ang ilang taon, muling bibida ang award-winning actress at Comedy Queen na si Aiai Delas Alas sa teleserye.

Mapapanood siya sa bagong GMA afternoon drama na 'Raising Mamay' kasama ang 'StarStruck' Season 7 Ultimate Female Survivor at up-and-coming dramatic actress na si Shayne Sava.

Sa serye, inaral ni Aiai ang pagiging bata bilang requirement sa kanyang character na nagngangalang Letty.

Magkakaroon si Letty ng age regression dahil sa traumatic brain injury matapos mabaril sa ulo.

Magmimistulang pitong taong gulang na bata si Letty at aalagaan siya ng kanyang anak na si Abigail, gagampanan ni Shayne, na magsisilbing nanay niya.

Aminado si Aiai na hindi madali ang kanyang role lalo pa at ito ang pagbabalik-serye niya sa hapon.

Gayunpaman, nakatulong daw ang pagiging cooperative ng kanyang co-stars para mapadali ang kanilang trabaho.

Bukod kay Aiai, ilan lamang sa bigating cast ng 'Raising Mamay' sina Gary Estrada, Antonio Aquitania, Valerie Concepcion, Raquel Pareño, at Ina Feleo.

Bibida rin dito ang kapwa 'StarStruck' graduate ni Shayne na si Abdul Raman na lalabas bilang leading man ng aktres. Sa puntong ito, mas mabibigyan ng atensyon ang kanilang loveteam sa 'Raising Mamay' matapos mapanood sa GMA primetime cultural series na 'Legal Wives' noong 2021 bilang supporting characters.

Matutunghayan din sa hapon ang iba pang Sparkle talents na sina Joyce Ching, Bryce Eusebio, Ella Cristofani, Hannah Arguelles, at Lei Angela Ollet.

Supporting actors man pero malaking parte ng kwento ang roles nina Tart Carlos at Orlando Sol sa main characters ng 'Raising Mamay.'

Narito ang kumpletong listahan ng kanilang roles na gagampanan sa upcoming Kapuso soap opera:


Aiai Delas Alas as Letty Sandejas/Mamay
Shayne Sava as Abigail Sandejas
Valerie Concepcion as Sylvia Renacia
Gary Estrada as Randy Renacia
Abdul Raman as Paolo Ampil
Antonio Aquitania as Bong Sandejas/Daday
Ina Feleo as Malou Reyes
Joyce Ching as Arma Villasis
Tart Carlos as Wenda Liles
Raquel PareƱo as Berna Gonzalez
Bryce Eusebio as Christopher Renacia
Ella Cristofani as Kelly Gomez
Hannah Arguelles as Dwein Liles
Lei Angela Ollet as Pam Galvez

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras