Born to Shine
Kilalanin ang iconic '80s singing group na 'Triplets'

Sa pagpasok ni Sheryl Cruz sa GMA Afternoon Prime musical drama series na Born to Shine, muling mapapanood sa iisang proyekto ang '80s trio singing group na Triplets na kinabibilangan niya at nina Manilyn Reynes at Tina Paner.
Matatandaan na bumibida na si Manilyn sa serye bilang si Minchie, habang si Tina naman ay si Charice, dating miyembro ng singing group na Rosabellas kasama si Dara, ang karakter ni Vina Morales.
Pero sino nga ba ang Triplets at paano sila nabuo? Kilalanin ang iconic '80s group sa gallery na ito: