KILALANIN: Lovi Poe, Benjamin Alves at iba pang bida ng 'Owe My Love'

Bibida sina Lovi Poe, Benjamin Alves at ilang de-kalibreng artista at beteranong komedyante sa inaabangang Kapuso rom-com series na 'Owe My Love.'
Susundan ng 'Owe My Love' ang kuwento nina Pacencia “Sensen” Guipit, isang raketera at breadwinner ng kanyang pamilyang baon sa utang, at Doc Migs Alcancia, isang tanyag na doktor ngunit medyo kuripot pagdating sa pera.
Nang dahil sa sunod-sunod na kamalasan sa trabaho at sa buhay-pamilya, magkukrus ang landas nina Sensen at Doc Migs, hanggang sa ang kanilang kasunduang pinansyal ay mauuwi sa mas malalim na pagtitinginan.
Posible nga bang makahanap ng tunay na pag-ibig nang dahil sa utang?
Bago pa man ang TV premiere sa February 15, kilalanin sina Sensen, Doc Migs at iba pang characters na tiyak na magpapakilig at magpapatawa sa inyo sa 'Owe My Love' sa gallery na ito.





















