KILALANIN: Pinoy showbiz personalities at ang kanilang adopted kids

Ang pagkakaroon ng pamilya ay hindi lamang nasusukat sa pagiging magkadugo dahil mrami pang ibang paraan para makabuo nito.
Isa na rito ay sa pamamagitan ng adoption o pag-aampon. Sa Pilipinas, may ilang showbiz personalities ang pinipiling kumupkop ng mga bata at itinuturing silang mga tunay na anak.
Ilang sa kanila ay ang celebrity couples na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, LJ Moreno at Jimmy Alapag, Oyo at Kristine Hermosa-Sotto, ang yumaong Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno, at marami pang iba.
Kilalanin ang mga Pinoy celebrities at ang kanilang adopted kids sa gallery na ito.



















