advertisement
Showbiz News

Kilalanin si Elias J. TV, ang reggae sensation ng North Cotabato

1 of 10

Elias J. TV

Tubong North Cotabato si Elias Gabonada Lintucan Jr. o mas kilala bilang Elias J. TV.

2 of 10

Taurus

Ipinanganak si Elias J. TV noong May 11, 2000 sa Magpet, North Cotabato.

3 of 10

Criminology graduate

Bago pa man niya pasukin ang musika, nakapagtapos ng kursong Criminology si Elias J. TV.

advertisement
4 of 10

Pagmamahal sa musika

Sa interview sa PEP.ph, ikinuwento ni Elias J. TV na pitong taong lamang siya nang magsimulang kumanta. Inumpisahan niya ang kanyang karera sa musika nang pumasok sa banda noong 2021.

5 of 10

Social media

Nagsimulang makilala si Elias J. TV ng marami, lalo na sa Kabisayaan at Mindanao, sa kanyang mga song covers at ilang orihinal na kanta na ipino-post niya sa social media. Kasalukuyan siyang mayroong 8.9 million followers sa Facebook.

6 of 10

Reggae

Kilala si Elias J. TV sa kanyang pangmalakasang performances sa stage at reggae music. Ilan sa sikat niyang awitin ay "Puhon," "Ohahay," at "Lipad."

advertisement
7 of 10

Concerts

Kabi-kabila ang live events at gigs ni Elias J. TV sa iba't ibang bahagi ng bansa.

8 of 10

Rubber farmer

Alam ba ninyo na naging rubber farmer si Elias J. TV? Ito ang ang naging inspirasyon niya sa kanyang sikat na Rubber Tree dance.

9 of 10

TV guestings

Napanood na si Elias J. TV sa ilang TV shows tulad ng Kapuso Mo, Jessica Soho, Fast Talk with Boy Abunda, at ngayon sa hit fantaserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

advertisement
10 of 10

Encantadia Chronicles: Sang'gre

Noong March 30, sumabak sa kanyang kauna-unahang acting stint si Elias J. TV nang mapanood siya sa hit fantaserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre. Gumanap siya bilang Elias, mula sa mundo ng mga tao na ginawang alipin ng isang Encantado.

Around GMA