Kilalanin si Zeah Nestle Pala, ang Sexy Babe 2025 grand winner

Ang Tarlac beauty queen na si Zeah Nestle Pala ang kinoronahang Sexy Babe 2025 ng It's Showtime noong Sabado, March 1, kung saan nakapag-uwi siya ng PhP300,000 cash prize.
Bukod dito, nakakuha din si Zeah ng dalawa pang special awards--ang Best in Swimsuit at Best in Gown.
Ani Zeah sa isang interview, thankful at blessed siya na nakitaan ng potensyal ng mga hurado. Pinasalamatan din niya ang kanyang mga magulang at ang mga taong sumuporta sa kanya.
Mas kilalanin ang Showtime Sexy Babe 2025 na si Zeah Nestle Pala sa gallery na ito:









