Fast Talk with Boy Abunda
Kim Atienza, kumusta na matapos pumanaw ang anak na si Emman?

Makalipas ang isang buwan matapos pumanaw ang anak ni Kuya Kim Atienza na si Emman, kumusta na nga ba ang lagay ng batikang host at ng kaniyang pamilya?
Sa pagbisita ni Kuya Kim sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, November 25, kinumusta siya ni King of Talk Boy Abunda tungkol sa pagpanaw ng kaniyang bunsong anak.
“Okay ako ngayon, Boy. It comes and goes. May mga araw na hindi ako okay, may mga araw na okay ako. Kumbaga kasi 'yung grief, ambush 'yan e. Ngayon okay ako, bigla naman may maaalala ako na ginawa namin ni Emman,” sabi ni Kuya Kim.
Alamin ang kwento ni Kuya Kim sa gallery na ito:









