News

Kim Chiu's feng shui vlog resurfaces amid issue with sister Lakam

GMA Logo Celebrities
Source: KimChiuPH (YouTube)

Photo Inside Page


Photos

Celebrities



Muling pinag-usapan online ang lumang vlog ni Kim Chiu, kasama ang nakatatandang kapatid na si Lakambini Chiu, tungkol sa kanilang pagkonsulta sa isang feng shui expert kasabay ng Chinese New Year noong 2024.

Nag-resurface ang vlog na ito kasunod ng pagsasampa niya ng reklamong qualified theft laban kay Lakam.

Pormal na magsampa ng reklamo si Kim Chiu, kasama ang kanyang legal counsel, noong Martes, Disyembre 2, 2025, hinggil sa umano'y "serious financial discrepancies" na nadiskubre sa isa sa kanyang mga negosyo.

Sa vlog ni Kim, isang babala ang binigay ng feng shui expert sa kanya. Binalaan niya ang It's Showtime host, na ipinanganak sa 'Year of the Horse,' na may taglay siyang 'Robbery Star'.

“Ang number one talagang iingatan natin ay ang horse. Mayro'n kasing robbery star ang horse. Ang problema kasi, when you talk about robbery, hindi lang naman pera ang ninanakaw. P'wede ang trust, 'di ba?” sabi ng feng shui expert.

Nagtanong naman agad si Kim: “Anong tiwala ang mananakaw sa akin?”

Patuloy ng feng shui expert, “'Tapos, also mga traitors and backbiters. We also need to be careful sa mga users. So, medyo maging maingat ka lang."

Agad naman itong iniugnay ng netizens sa isyung hinaharap ng magkapatid na sina Kim at Lakam. May ilang nagsabi na tila si Lakambini ang tinutukoy na sumira ng trust ni Kim.

Sa isang pahayag ni Kim, inamin niyang ang pagsampa niya ng reklamo laban sa kapatid ay “one of the most painful steps I have ever taken in my life.”

Ang reklamo ni Kim ay lalong nagpatibay ng mga kuro-kuro sa matagal nang napapabalitang alitan sa pagitan ng magkapatid, na nauna nang napansin ng ilan sa social media dahil sa unfollowing sa Instagram.

Ngayon ay tuluyan nang nauwi sa pormal na legal na proseso ang alitan ng magkapatid.

Samantala, tingnan dito ang ilang celebrities na nagkaayos matapos ang matagal na alitan:


Barretto Sisters
Gretchen and Claudine
Gutierrez Brothers
Girlfriend ang dahilan
Kris Aquino and Vice Ganda
Marian Rivera at Katrina Halili
Ninang at flowergirl
Snubbing issue
Nagpansinan na
Mother-daughter
Ruffa and Annabelle 
Korte
Nagkapatawaran
Gap sa magkapatid
Sisters forever
Tampuhan
Dating pagkakaibigan
Scandal
Pitong taon
Matinding tampuhan
Kasal ng DongYan
John, Randy at Willie
Nagkaayos din
Relasyon  
Pinagpasalamat 
Isang sulat
Apat na taon
Sharon at Gabby
Magkaibigan na uli
Nagkakasakitan
Nagkrus ang landas
Napagkamalan
Renewed friendship
Biggest showbiz controversy
Beso
Matatalim na salita
Pelikula
Mother and Sons
Reunited
Heart and Marian
Misunderstanding
Turned down
Badmouth
Saying goodbye
Kontorbersiyal na away
Kumpetensya

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 5, 2025
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year
Yacht catches fire; damage hits P900,000