Muling nasilayan ng publiko ang dating '90s teen star na si Kim de los Santos.
Nakilala si Kim sa mga proyektong 'Anna Karenina' at sa hit teen-oriented show na 'T.G.I.S.,' kung saan siya at si Dino Guevarra ay naging isa sa mga pinakasikat na love team ng kanilang panahon. Taong 2004 nang lisanin ni Kim ang Pilipinas upang manirahan sa Estados Unidos para mamuhay nang simple at mag-aral ng nursing.
Matapos ang halos dalawang dekada, kamakailan ay muli siyang nakita sa bansa at nagpaunlak sa isang panayam sa YouTube channel ng aktres na si Snooky Serna, sa 'Fast Talk with Boy Abunda,' at sa 'Family Feud.'
Sa mga nasabing interview, ibinahagi ni Kim na siya ay single na ngayon matapos ang paghihiwalay nila ng kaniyang partner sa loob ng 11 taon. Bukod dito, plano rin niyang gumawa ng showbiz comeback habang ipinagpapatuloy ang kanyang trabaho bilang nurse sa US.
Alamin ang buhay ngayon ni Kim de los Santos.
Isa sa mga hinahangaang aktres noong '90s si Kim de los Santos.
Ilan sa mga tinutukang proyekto ni Kim ang 'Anna Karenina' at hit teen-oriented show na 'T.G.I.S.'
Napanood din si Kim sa 'May Bukas Pa' noong early 2000s.
Naka-loveteam noon ni Kim de los Santos si Dino Guevarra. Nauwi sa totohanan ang kanilang relasyon at umabot sa kasalan.
Humantong sa hiwalayan at annulment ang relasyon nina Kim at Dino.
Taong 2004 iniwan ng dating aktres ang pag-a-artista para mag-migrate sa Amerika.
Sa YouTube channel na Marites University, inamin ni Kim na si Dino ang naging dahilan niya sa pagpunta sa Amerika.
"I'm not gonna lie about it, he was really the main reason why I had to leave. Kasi I was sobrang in love. In love talaga ako kay Dino and the last fight that we had naging physical."
Inilahad naman ni Kim na naging kaibigan niya ang asawa ni Dino na si Karen Gabriel.
Ayon kay Kim, siya ay isang nurse ngayon sa Amerika.
"Nag-LDN (learning disability nurse) muna ako, then nag BSN (Bachelor of Science in Nursing) ako, then after BSN I did my masters.”
Saad pa ng dating aktres ay komportable na siya sa buhay sa Amerika. Si Kim ay mag-20 years na sa Amerika at nakabase ngayon sa Houston, Texas.
Inihalintulad ni Kim ang pag-aartista sa pagiging nurse.
"Ang pag-aartista is helping people. You act, you try to make the people feel good, right? Nursing is the same way. I still find myself trying to make people happy during the most hardest times in their lives and I'm just proud."
Umuwi si Kim sa Pilipinas para sa isang fund raiser ng nasalanta ng bagyong Carina. Tinulungan siya ng kaibigang si Angelu de Leon. Sina Kim at Angelu ay nagkasama noon sa 'T.G.I.S.'
Bumalik na sa US si Kim pagkatapos ng kaniyang limang araw sa Pilipinas.
Ayon kay Kim ay bukas siya sa pagbabalik sa showbiz sakaling may mag-offer sa kaniya ng proyekto.
Ibinahagi ni Kim delos Santos ang pagsisikap niya noong unang lumipat sa Amerika matapos nilang maghiwalay ng ex-husband na si Dino Guevarra. "Mahirap. If you don't have education, you have nothing to fall back on. Anong magiging trabaho mo? If you don't have a degree, what job will they give you? Coming from someone who didn't have a degree, I was a high school graduate and then I was like looking at myself, I was mopping floors, second job I was stuffing insurance cards in an envelope... tapos nag-receptionist ako," saad niya sa paayam kay Snooky Serna.
Kahit na naka-move on na at handa na muling makatrabaho ang dating asawa niyang si Dino Guevarra, hindi pa raw sila nakakapagusap muli simula noong maghiwalay sila noong 2004, kuwento ni Kim delos Santos sa 'Fast Talk with Boy Abunda.'
Nagsama-sama ang 'T.G.I.S.' cast para gunitain ang buhay ng yumao nilang co-cast member na si Red Sternberg na pumanaw noong Mayo 27, 2025 mula sa atake sa puso.
Handa raw na magbalik showbiz si Kim delos Santos ngayong may naipundar na siya matapos ang mahigit dalawang dekadang pagtatrabaho sa Amerika. Nananatili pa rin siyang isang US registered nurse.
Naging masaya ang muling pagbabalik Pilipinas ni Kim delos Santos, na mainit na tinaggap ng mga kaibigan niya sa showbiz, kabilang ang aktres na si Maui Taylor.
Naging isang reunion episode ang 'T.G.I.S.' episode sa 'Family Feud' dahil nagsama sama muli ang cast members na sina Michael Flores, Ciara Sotto, Bernadette Allyson, Maybelyn Dela Cruz, Polo Ravales, Maui Taylor, Chico Ventosa, at Kim De Los Santos kasama ang host na si Dingdong Dantes na galing din sa 'T.G.I.S.'