Kim delos Santos, hindi na kailangan ng closure kay Dino Guevarra

Mahigit 20 taon na nang magkahiwalay ang dating celebrity couple na sina Kim delos Santos at Dino Guevarra. Kaya naman, ayon sa aktres, matagal na siyang naghilom mula rito. Hindi na rin daw niya kailangan ngayon ng "closure" sa kanilang naging relasyon.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, August 11, ibinahagi ng dating T.G.I.S. actress na simula noong nagkahiwalay sila ng kanyang co-actor noong 2004 at nag-migrate siya sa USA, hindi na sila nagkausap muli ng dating asawa.
Pagbabahagi ng aktres, “There was one time that I think nag-reach out siya. He did send an email, but then, after that, wala na. It was like a simple, 'Why did you leave?'”
Ayon kay Kim, maaaring hindi inasahan ni Dino ang ginawa niyang pag-migrate sa Amerika, kaya gusto nitong malaman ang dahilan, ngunit hindi naman niya ito sinagot. Nagdesisyon lang na magsalita si Kim tungkol sa kanilang hiwalayan dahil sa asawa ng aktor ngayon.
Ngunit paglilinaw ng dating aktres, hindi na niya kailangan pa ng closure mula sa dating asawa. Alamin ang kwento ni Kim sa gallery na ito:









