News

Kim Atienza, ibinahagi kung paano hinaharap ng pamilya ang pagpanaw ng anak na si Emman

GMA Logo Emman Atienza

Photo Inside Page


Photos

Emman Atienza



Ibinahagi ni Kim Atienza kung paano hinaharap ng kaniyang pamilya ang pagkawala ng kaniyang anak na si Emman Atienza sa isang panayam sa respetadong GMA journalist na si Jessica Soho sa progama nitong Kapuso Mo, Jessica Soho.

Isang bahagi ng panayam kay Kim na ini-upload sa GMA Public Affairs YouTube channel, ay dito inilahad niya ang kaniyang paniniwala na may kahulugan ang pagpanaw ng kanyang anak na si Emman.

“Nung namatay si Emman, kasi we know that Emman's sick and she had a few attempts in the past, and my prayer to the Lord every single day was for this not to happen. For Emman to be safe, for Emman to be happy, for Emman to heal, yet this happened,” saad niya. “And I know that nothing happens as an accident, and I know all things work out well. Everything's planned by the Lord. I know this is not in vain, Emman did not die in vain. May dahilan, at ang dahilan ay maganda. That gives me peace.”

Ibinahagi din ni Kim ang iba't ibang paraan ng pagdadalamhati na ginagawa ng kaniyang pamilya. Habang siya ang pinaka-emosyonal sa kanila, ang kaniyang asawa at mga anak ang mga malalakas, ayon sa kaniya.

“Malakas si Feli, Feli is a very strong woman. Ang way of coping ni Feli is very busy taking care of the details of the wake, sa pagligpit ng bahay. Galing kami sa LA ng ilang araw. That's what keeps her sane and keeps her not grieving too much,” saad niya. “Jose, siya 'yung tumulong sa LA. Siya 'yung lumalakad ng mga papeles doon. Doon na kasi nakatira sa America 'yun. Eliana is strong as well. I raised very strong kids.

“Even Emman I thought was very strong, but I didn't know that deep inside she was also suffering, kasi she put up a very strong front, a very happy front, yet she was suffering, and she was in pain,” pagpapatuloy niya.

Hindi man lingid sa kanilang pamilya ang kalagayan ni Emman, ipinaliwanag ni Kim na inakala nila na maayos na ang karamdaman ni Emman dahil sa pagbabahagi nito ng sitwasyon ng kaniyang mental health at dinanas na trauma mula sa isang dating kasambahay sa iba't-ibang interviews.

“We were keeping that secret because nalaman naming 'yung mga detalyeng 'yan in one of her attempts in the past. Meron siyang mga kinausap na therapists at sinabi nung mga psychologists na ito ang cause niyan. Nagkaroon siya ng PTSD at ang dahilan ay 'yun…and we were keeping it secret because we wanted to protect her,” pagpapaliwanag ni Kim. “Nagulat na lang kami nung biglang nilabas niya sa interview…She kept on talking openly with passion in her TikTok, in her guesting. Open siya eh. That's why we thought that she's okay. Because despite her pain, she was reaching out. And despite her pain, nagkukuwento siya eh. And that's a sign na okay ka eh.”

Ibinahagi rin ni Kim na nagpadala ng mensahe sa kanila si Emman dalawang araw bago ito pumanaw, at nangamba sila noong hindi nito sinasagot ang kanilang mga tawag.

“Two days before that, we knew that there was a problem. Emman texted her mommy, sabi niya, 'Mom, I'm in an emergency right now, but worry not, there's no self-harm. But I need to go to a therapy center.' 'Yun 'yung message sa amin, so we knew that there was something wrong,” pagbabahagi ni Kim. “We tried calling her, hindi sumasagot. The next day, we tried calling her again, hindi na naman sumasagot. So ayun, I was in the Philippines, Feli was in Florida, meron siyang pickleball championships. Buti na lang nasa America siya when it happened.

“I was waiting here and then on the second day, I woke up in the morning, may message si Feli, I have terrible, terrible news. I knew already, nanlambot ang tuhod ko, napaluhod ako. Sabi ko, Lord, ito na. So I called Feli, and Feli said, Emman's gone. Nanlambot ako, nanlamig ako, and ang nasa utak ko, Lord, dasal ko ito sa iyo araw araw, why? Feli flew right away to LA, and then 'yun na nga. I flew to LA also, two days after,” pagpapatuloy niya.

Ayon kay Kim, simula noong pumanaw si Emman ay tinitingnan niya ang social media para sa mga posts na nagbabahagi kung paano positibong naapektuhan ni Emman ang buhay ng mga taong nakasalamuha niya.

“I look at social media because I get inspired. Sabi nga ng mga kaibigan ko, huwag ka tumingin. 'Yung mga comments hindi ko binabasa, pero 'yung mga posts binabasa ko, because I can see that Emman's death has touched a lot of lives, and nagugulat ako. Even Americans, even people from out of the country, are making comments about Emman and how she's touched their lives,” saad niya.

Masakit man para sa kaniya na makitang isinusulat sa iba't-ibang publications ang pagpanaw ng kaniyang anak, ang nakikitang positibo ni Kim ay ang pagpapalaganap nito ng mensahe ni Emman na “just a little kindness”.

“Alam mo ba 'yung anak ko, si Emman, was in The New York Times, she was in TMZ, Entertainment Tonight. Painfully, I was reading the comments, all the articles, but what's good about her being written about, they wrote about what happened, and they wrote about what she stood for, which is a little kindness. Kumalat 'yun eh. A little kindness. A little kindness. Emman was so kind, napakabait nung batang 'yan. Sobra,” saad niya.

Gayunpaman, hindi maitanggi ni Kim ang sakit na dala ng pagpanaw ng kanyang anak.

“Lord, kahit bigyan mo ako ng cancer, okay eh. Titiisin ko 'yan. Madali ang physical pain. Titiisin mo 'yun eh. Pero 'yung mamatayan ka ng anak, masakit. Masakit. Hindi 'yung sakit na sakit lang, masakit sa lahat,” sambit niya.

Mapapanood ang buong panayam kay Kuya Kim Atienza sa Kapuso Mo, Jessica Soho mamayang gabi.

Panoorin ang parte ng panayam kay Kuya Kim Atienza sa video sa baba.

Ang panayam ni Jessica Soho kay Kim Atienza ay isa lamang sa mga paraan kung paano ibinahagi ni Kim ang kaniyang mga saloobin sa pagpanaw ng kanyang anak. Sa isang Facebook post, ibinahagi niya ang kanyang pagpapasalamat sa mga “messages of comfort” na ipinarating sa kanya pagkatapos ibalita ang pagpanaw ni Emman.

Nag-iwan din ng mensahe ang kapatid ni Emman na si Eliana sa Instagram, kung saan isinulat ni Eliana na mami-miss niya ang kanyang kapatid at ang kanilang plano “to co-create a better world”.

Iba't ibang mga celebrity na rin ang nakidalamhati sa pamilya Atienza. Ang ilan rito ay ang kapwa Status by Sparkle member ni Emman na si Brandon Espiritu, si Solenn Heussaff ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, si AC Bonifacio ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, at ang singer na si Sitti Navarro-Ramirez.

Nagbahagi rin ng kanilang pakikiramay ang negosyanteng si Angie Mead King, model at cosplayer na si Alodia Gosiengfiao, My Father's Wife actress na si Kazel Kinouchi, ang mga dating co-host ni Kim sa It's Showtime na si Anne Curtis at Ryan Bang, beauty queen na si Winwyn Marquez, at si Cassy Legaspi.

Nakiramay din si Mister Pilipinas Global Jether Palomo, stylist Liz Uy, at ang host at actor na si Richard Juan.

Ibinahagi ng pamilya Atienza ang balita ng pagpanaw ni Emman noong ika-24 ng Oktubre sa social media accounts ng pamilya. Sa Instagram post ni Felicia Kim, inalala ng pamilya ang saya na dinala ni Emman sa kanila at sa mga taong nakasalamuha niya.

“She brought so much joy, laughter, and love into our lives and into the lives of everyone who knew her. Emman had a way of making people feel seen and heard, and she wasn't afraid to share her own journey with mental health. Her authenticity helped so many feel less alone,” saad nila sa caption ng Instagram post.

Nanawagan din ang pamilya na ipagpatuloy sana ang mga katangian na pinaninindigan ni Emman.

“To honor Emman's memory, we hope you carry forward the qualities she lived by: compassion, courage, and a little extra kindness in your everyday life,” saad nila.

SAMANTALA, ALALAHANIN ANG BUHAY NI EMMAN ATIENZA SA GALLERY SA IBABA


Emmanuelle Atienza
Emman
Volunteer work
Art and fashion
2024 GMA Gala Night
Tagalog
Nepo Baby
Psychology
Support
New chapter
Connected
Tribute

Around GMA

Around GMA

The roofkeepers of Uyugan, Batanes: Keeping the Ivatan home alive
'Wilma' weakens into LPA near Cataingan, Masbate
XG's Cocona undergoes top surgery, comes out as AFAB transmasculine non-binary