Fast Talk with Boy Abunda

Kiray Celis itinangging 5M ang presyo ng kaniyang wedding gown

GMA Logo Kiray Celis
SOURCE: kiraycelis (IG)

Photo Inside Page


Photos

Kiray Celis



Nagsalita na ang aktres na si Kiray Celis nitong Martes, December 23, sa usap-usapan ukol sa tunay na presyo ng kaniyang wedding gown sa kaniyang kasal kay Stephan Estopia.

Paglilinaw ni Kiray sa afternoon talk show na Fast Talk with Boy Abunda, “Actually, hindi naman po iyon PhP5 million.”

Ngunit pag-amin nito, natutuwa raw siyang marinig na ganoon ang tingin ng tao sa kaniyang gown. Kuwento pa ni Kiray ay siya raw ang nag-design nito upang siguraduhin na masusunod ang kaniyang dream gown.

Aniya, “Sobrang kinikilig ako na mukha palang PhP 5 million 'yung gown ko. Ang ganda-ganda ko 'pag sinasabi niyo sa akin na ganoon kamahal 'yung gown ko, kasi kaya ko pala dalhin 'yung sa tingin niyo na limang milyon na gown, pero hindi po siya ganoon kamahal.”


Sa parehong interview, sinabi rin ni Kiray na “very willing” siyang ipahiram ang mga gowns na nagamit niya sa mga brides-to-be. Ayon sa aktres, limang gowns ang kaniyang nagamit sa espesyal na araw: preparation gown, wedding, reception, first dance, at after-party gown.

“Very willing ako ipahiram 'yung mga gowns na ginamit ko, kasi alam ko kung gaano ka-stressful, but super enjoy, habang nag-aayos ng wedding,” ani Kiray. “Ipapahiram ko kapag kasya sa inyo 'yung gown.”

Samantala, kumuha ng inspirasyon mula sa mga nagagandahang wedding gown ng inyong paboritong celebity sa gallery na ito:


Shaira Luna
Kara David
Kylie Padilla
Gee Canlas
Kat Ramnani
Ginger Conejero
Catherine Rem
Rich Asuncion
Coleen Garcia
Iza Calzado
Lotlot de Leon
Megan Young
Aicelle Santos
Moira dela Torre
Dianne Medina
Valerie Concepcion
Alex Gonzaga
Melissa Gohing
Lovely Abella
Jessy Mendiola
Dionne Monsanto
Sam Pinto
Carla Abellana
Kris Bernal
Ara Mina
Empress Schuck
Empress Schuck
Claudia Barretto 
Zeinab Harake 
Diana Mackey

Around GMA

Around GMA

Cops firing guns during Christmas, New Year to face sanctions
Pinoy Catholics called to pray, be peacemakers on Christmas
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones