Kiray Celis, nalula sa gastusin sa kasal: 'Grabe, ganito pala ikasal?'

Sa December na ang kasal nina Kiray Celis at Stephan Estopia.
Siya raw ang punong-abala sa paghahanda para rito dahil, aniya, “Ako yung maarte sa amin.”
Dagdag na kuwento pa ni Kiray, “Kahit damit niya, ako nag-aasikaso, 'Ito ang design ng damit mo.' Maarte kasi ako. Yung jowa ko kasi, sobrang bait talaga. At ayaw kong maging pabigat, 'no? Sabi ko, 'Since may business ka at may business ako, babayaran ko yung gusto kong bayaran. Ibibigay ko ang dapat mong bayaran.'”
Nakausap ng GMANetwork.com at iba pang entertainment media ang aktres sa launch ng bagong products ng Kiray Brands, ang Hot Babe drinks at Skin Vibe beauty products.
Ayon kay Kiray, PhP500,000 ang inilaan nilang budget ni Stephan para sa kanilang kasal sa susunod na buwan.
“Ang laki na nga po, parang ang sakit na ng puso ko! Noong inaayos ko ang wedding, 'Grabe, ganito pala ikasal? Sana naging tomboy na lang ako. Oo may kinakasal na tomboy pero hindi kasing arte naming mga babae.”
Napa-react naman ang ilang press at sinabing tila maliit ang kanyang budget kumpara sa ibang celebrity weddings.
Paliwanag ng 31-year-old actress, “Actually, yung goal namin, mga PhP500,000. Pero kasi, sobrang dami ng nagmamahal sa amin. Sa mga ninong at ninang pa lang, 'O, kami na ang sagot sa…' Sobra, sobra, sobrang suwerte kami sa mga ninong at ninang.”
Narito ang ilang pang mga detalye sa kasal nina Kiray at Stephan:






