News

Kiray Celis on viral prenup photo in Japan: 'Hindi po kailangang mag-worry'

GMA Logo Kiray Celis Stephen Estopia
Kiray Celis and Stephan Estopia in Japan. Courtesy: My Metro Photo/Kiray Celis on Facebook

Photo Inside Page


Photos

Kiray Celis Stephen Estopia



“Mayroon po tayong permission sa authority po. No harm done.”

Ito ang naging paglilinaw ni Kiray Celis sa viral prenup photo nila ng kanyang fiance na si Stephan Estopia sa Japan.

Sabi pa niya, “Hindi po kailangang mag-worry. Sa mga Filipino, OFWs, lalo na sa Japan, pasensya na po kayo pero hindi n'yo na po kailangang magalit. Tama na po 'yan kasi wala pong naagrabyado o walang nagalit nung mismong nag-shoot kami.”

Nakausap ng GMANetwork.com at iba pang entertainment media si Kiray sa launch ng mga bagong produkto ng Kiray brands, ang Hot Babe drinks at Skin Vibe beauty products.

Ikinagulat daw ng actress-entrepreneur nang maging usap-usapan online ang larawan nila ni Stephan, kung saan nakasampa sa vending machine ang una.

Kuwento ni Kiray, masaya ang kanilang ginawang photo shoot sa Japan.

“Itong prenup na ito ay pinili namin because sobrang favorite namin ang Japan-the place, yung tao. Yung streets pa lang, picture kaagad, e. Alam mo yun, hindi pa nakakarating sa hotel, nagpa-picture na kaagad. Pagdating namin doon, full of love.

“Pagkauwi, 'Ay, ang ganda ng mga pictures natin.' The next day, pagkagising ko, 'Ano 'to? Bakit ako viral? Anong nangyari?' So, nagulat ako. Yung vending machine [photo] pala!”

Related gallery: Kiray Celis and her BF Stephan Estopia celebrate fourth anniversary

Sa katunayan, ayon kay Kiray, ang naturang photo, na ngayon ang deleted na sa kanyang social media accounts, ay naging agaw-pansin sa mga tao.

“Nakakatawa kasi noong shinoot namin yung sa vending machine, yun yung pinaka, promise, kinasayahan ng mga dayuhan. Kasi sa Shibuya maraming tao, so yung mga dayuhan doon, mga iba't ibang lahi, parang nag-i-stop sa shoot namin, 'Oh!' gumaganun-ganun sila.

“'Tapos, parang yung mga Japanese, nagtatanong. Kasi yung host namin sa Japan, half-Japanese, half-Filipino. Naiintindihan niya ang mga sinasabi ng mga Japanese. Ang sinasabi raw ng mga Japanese, mukha daw akong model. Siguro kasi hindi niya nakita yung height ko kasi nakaupo ako sa vending machine. Mukha ba akong model? Ang saya lang.”

“Kaya nagulat ako nung nag-trending. Anong nangyari? Sana hindi na aabot po na mag-e-explain ako kasi ang saya ng prenup namin-sobrang ganda ng photos namin, ang galing ng videos namin, ang ganda ng makeup ko dahil mukha akong nagpagawa ng ilong sa pictures ko.”

Ayon kay Kiray, ang konsepto ng viral photo ang suhestiyon ng kanilang photographer. Base sa kaniyang posts, ang prenup photos nina Kiray at Stephan ay kuha ng Metro Photo.

Paliwanag ng aktres, “Marami nang shoot na nangyaring ganun, parang hindi siya first time. Actually, bago po pinagawa sa amin, may nakita na akong may mga gumagawa ng ganun. Kasi siyempre, mayabang ako, gusto ko mag-prenup sa Japan, so tiningnan ko na yung mga pictures [para sa] inspo [inspiration] sa japan kaya nakikita ko yung talaga.”

Bagamat wala raw dapat ikabahala sa larawan, inamin ni Kiray na may natutuhan din siya sa isyung ito.

“I think maging sensitive enough. Parang kahit may permission, kahit puwede, intindihin mo rin kung ano yung mararamdaman nung mga makakasama mo o makakakita,” pagtatapos ni Kiray.

Tingnan ang ilan sa prenup photos nina Kiray at Stephan sa Japan dito:


Off to the ramen place
Is it open?
Matching vibes
Ramen date
Meeting place
A kiss in the smoke
Running Man
Two countries
Being loved by the one you love
Forehead kiss

Around GMA

Around GMA

Guarantee letters vouch for those in need, not political intervention —Rep. Puno
Fire razes 9 firecracker stalls in Barili, Cebu as buyer tests item
Attend parties and a grand countdown featuring world-class music icons at this integrated resort