Kiray Celis, Stephan Estopia, ibinahagi ang simula ng kanilang love story

Ikinasal kamakailan sina Kiray Celis at Stephan Estopia at dinaluhan ito ng maraming celebrities mula sa ninong at ninang hanggang sa mga kaibigan at iba pang mga panauhin.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes (December 24), nagkuwento si Stephan kung gaano siya kasaya sa araw ng kasal nila ni Kiray, lalo na nang makita niya ang kaniyang mapapangasawa na naglalakad papunta sa altar.
“Sobrang saya po, e. Mixed emotions po siya. Sobrang saya, lalo na nu'ng nakita ko po siya, du'n na po talaga bumuhos 'yung luha ko,” sabi ni Stephan.
Si Kiray, aminado namang gusto nang mag-break down nang kantahin na ni Angeline Quinto ang wedding song nila na "'Til I Met You" habang naglalakad siya sa aisle.
Ngunit paano nga ba sila nagkakilala? Alamin ang love story nina Kiray at Stephan sa gallery na ito:









