Kisses Delavin, spotted ng netizens sa isang ballet performance

Ikinagulat ng netizens nang magkaroon ng update ngayong 2025 tungkol kay Kisses Delavin.
Si Kisses ay huling nakita ng publiko noong 2021 sa kanyang pagsali sa Miss Universe Philippines 2021 pageant bilang representative ng Masbate. Maging sa social media ay tahimik si Kisses dahil ang huling post niya ay noong 2021 din.
PHOTO SOURCE: @kissesdelavin
Ngayong July 13, naging maingay muli ang pangalan ni Kisses sa social media dahil sa ilang posts tungkol sa kanyang ballet performance online.
Ayon sa netizens, si Kisses ay bahagi ng ballet performance ng Martha Graham School na matatagpuan sa New York.
Saad ng isang netizen sa X, "omgggg is this kisses now??? saw it on google and the photo was captured during the spring in the USA (May 2025) so this is probably a recent photo of her"
Komento naman ng isang netizen, "She looks happy, we're glad"
PHOTO SOURCE: X
Masaya naman ang isang netizen sa estado ng buhay ni Kisses ngayon. "my 1st PBB baby. Missing our Kisses so much but thrilled that she's living her best life now."
Samantala, may isa ring nagbahagi ng mga larawan ni Kisses bilang isang ballerina. Saad ng netizen, "Kisses as a ballerina??? omg"
PHOTO SOURCE: X
SAMANTALA, BALIKAN ANG PANG-BEAUTY QUEEN LOOKS NI KISSES DITO:
































