Fast Talk with Boy Abunda

Klea Pineda, ano ang kinatakutan sa pag-amin ng tunay na kasarian?

GMA Logo Klea Pineda

Photo Inside Page


Photos

Klea Pineda



Malaki umano ang naging mga pagbabago matapos umamin ni Kapuso actress Klea Pineda na parte siya ng LGBTQIA+ community dalawang taon nang nakakaraan. Kasabay nito, marami ring naging adjustments ang aktres at takot dahil sa kanyang ginawa.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, July 18, kinamusta ni King of Talk Boy Abunda si Klea matapos ang ginawa nitong pag-amin online. Matatandaang sinabi ng aktres sa isang Instagram post noong March 2023 na siya ay parte ng LGBTQIA+ community.

“Okay naman, Tito Boy, sobrang happy, sobrang happy, and ang daming changes, ang daming adjustments after kong nag-out. Pero happy naman ako,” sabi ni Klea.

Ngunit inamin din ng aktres na sobra ang takot niya noon at sa katunayan, mahigit isang taon niyang pinag-isipan nang mabuti bago siya nagdesisyon na mag-out. Kwento pa ng aktres, kinausap din niya ang GMA Network at Sparkle Artist Center bago niya ipinaalam sa mundo ang kanyang kasarian.

Ngunit kaakibat ng kanyang lakas ng loob sa para sabihin ang totoo niyang pagkatao ay takot.

Alamin kung ano ang naging karanasan at takot ni Klea matapos aminin ang totoo niyang kasarian sa gallery na ito:


Takot
No idea
Reactions
Sayang ka
Hindi dapat manghinayang
Kakampi
Pasasalamat
For the queer people
Break up
Priorities

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas