Relationship

Klea Pineda confirms breakup with Katrice Kierulf

GMA Logo klea pineda and katrice kierulf
Source: kleapineda/IG

Photo Inside Page


Photos

klea pineda and katrice kierulf



Kinumpirma ni Klea Pineda na hiwalay na sila ni Katrice Kierulf, na naging girlfriend niya sa loob ng tatlong taon.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, July 18, pinansin ni King of Talk Boy Abunda ang pag-unfollow nina Klea at Katrice sa isa't isa sa Instagram.

Kaya naman, deretsahan niyang tanong sa katres, “I know relationships are nuanced, pero itong tanong ay pwedeng sagutin ng oo o hindi. Naghiwalay na ba kayo ni Katrice?”

Sagot ni Klea, “Yes.”

Ayon kay Klea, nitong June lamang nangyari ang paghihiwalay nila ni Katrice kaya “super fresh” pa para sa kaniya ang mga pangyayari. Aniya, may mga kaniya-kaniya na silang priorities kaya napagdesisyunan na lang nila na maghiwalay.

“Umabot na kami sa point na gusto niyang unahin 'yung sarili niya, gusto ko rin naman unahin ko 'yung sarili ko, this time, piliin 'yung sarili ko this time. And na-realize na rin namin na hindi na kami nakakatulong sa isa't isa, parang pinu-pull down na namin 'yung isa't isa. Parang umabot kami sa ganu'n point,” sabi ni Klea.

Paglilinaw naman ng aktres, inilaban naman nila ang kanilang relasyon ngnunit hindi na nila kinaya, at sinabing mutual ang naging desisyon nila na maghiwalay.

BALIKAN ANG ILAN SA MGA WEETEST MOMENTS NILA KLEA AT KATRICE SA GALLERY NA ITO:

Napag-usapan din sa naturang interview ang cheating issue sa pagitan nina Klea at Katrice.

Pero mariin ang sagot ni Klea na, 'No,' sa tanong kung niloko niya ang dating girlfriend.

Ayon kay Klea, pinapahalagahan niya ang loyalty at pagmamahal nila para sa isa't isa, at respeto, at sinabing wala siyang balak sirain 'yun.

Kaya naman, aniya, "Sobrang proud akong sabihin 'yun na no. Hindi ko kayang gawin 'yun kay Kat kasi masyado kong mahal si Kat, ayoko nang makita siyang nasasaktan pa. Ang dami na ring pinagdaanan ni Katrice at ayokong makadagdag pa du'n.”

Nilinaw din ni Klea na hindi rin nag-cheat sa kaniya si Katrice, at sinabing hindi nito magagawa iyon kahit kanino.

Samantala, tingnan ang celebrity couples na naghiwalay ngayong 2025 dito:


Barbie Forteza and Jak Roberto
Exceptional
Catriona Gray and Sam Milby 
Rumors
Jeraldine and Josh Blackman
Family
Kris Aquino and Mike Padlan
Apology
Mikee Quintos and Paul Salas
Reason 
Kyline Alcantara and Kobe Paras
Peace

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit