Klea Pineda, Jasmine Curtis-Smith, ibinahagi ang mga aral sa 'Open Endings'

Mapapanood na simula bukas, October 4, ang mga pelikula ng Cinemalaya 2025, kabilang na ang LGBTQIA+ film na 'Open Endings' na pinagbibidahang ng Kapuso stars na sina Klea Pineda at Jasmine Curtis-Smith, kasama ang Kapamilya actor na si Janella Salvador.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, October 3, pinansin ni King of Talk Boy Abunda ang lesbian role ni Klea, na isa ring openly lesbian sa totoong buhay. Tanong sa kaniya ng batikang host, “You are playing a lesbian role. Ang tanong, are you scared? Are you happy?”
Sagot ni Klea, “Unang-una, walang dapat ikatakot, and yes, sobrang masaya ako na nabigyan ako ng role na ganito kasi dream come true siya for me, Tito Boy. Ang tagal ko nang mina-manifest itong role na 'to.”
Sinigurado naman ni Jasmine na nabigyan ng representasyon ang queer community sa kanilang pelikula dahil bawat karakter ay nabigyan umano ng justice at kani-kanilang story line.
“Hindi perfect ang kahit sino man, pero makikita natin what gels the queer women together, what makes their friendship stronger, and kung ano rin 'yung mga ipinaglalaban nila or pinagdadaanan nila, hindi lang in their friendships, but also in their society,” sabi ni Jasmine.
Bilang isa ito sa mga bihirang LGBTQIA+-centric na pelikula, tinaong ni Boy sina Klea at Jasmine kung ano ang gusto nilang pabaon na aral sa mga manonood. Alamin ang sagot ng dalawang aktres sa gallery na ito:









