KMJS: Netizens natangayan ng libo-libong pera ng fake online gold store sa Facebook

GMA Logo Sanya Lopez, Kyline Alcantara, Max Collins, Ysabel Ortega, Mark Reyes
Ssources: sanyalopez/IG, itskylinealcantara/IG, maxcollinsofficial/IG, ysabel_ortega/IG, direkmark/IG

Photo Inside Page


Photos

Sanya Lopez, Kyline Alcantara, Max Collins, Ysabel Ortega, Mark Reyes



Laking gulat ng mga netizens ng napunta sa wala ang libo-libong pera na binayad nila sa isang online gold store na nakita nila sa Facebook.

Inakala nilang lehitimo ang online store, dahil maraming followers at likes, at may mga post pa nang reviews ng kunwaring maayos na transaksyon.

Marami ang nag-message sa Kapuso Mo, Jessica Soho na niloko umano ng FB page na "Queen Jewelry Gold Co PH."

Si "Lea," hindi niya tunay na pangalan, at isang guro mula Samal, Bataan, nakita lang ang ad ng Queen Jewelry Gold Co PH sa Facebook at naisipan na mag-invest sa ginto.

Kumpara sa ibang tindahan, nagbebenta ang Queen Jewelry Gold Co PH ng P3,400 kada gramo ng gold, higit na mas mababa kaysa ibang sellers.

Ang buong akala ni Lea ay lehitimo at nakita niya na mayroon itong 66,000 followers at 63,000 likes. Sa pagsusuri rin ni Lea, pino-post din sa Facebook ang kanilang mga proof of transaction o review ng mga "satisfied customers," diumano business permit at awards na natanggap ng kompanya.

"May freebies po sila na one gram necklace kapag po naka-order ka ng more than five grams. Isa rin po 'yan sa mga factor kung bakit din po ako nahikayat," kwento ni Lea.

Bumili si Lea ng tatlong piraso ng alahas na may 5.3 gramo ng gold ang timbang na may kabuuang halaga na P20,140.

Nakapagtataka lamang na may polisiya umano ang page na full payment muna bago ang shipping. Limited time only lamang daw ang kanilang sale, kaya agad na nagbayad si Lea sa pamamagitan ng money transfer.

Dumaan ang maraming araw at hindi pa rin dumarating ang kanyang order na alahas. Dito na siya nagduda lalo at nag-research tungkol sa page.

"Na-discover po namin na scammer po pala 'yung aking naka-transact," saad ni Lea. "Huli ko na po na-realize na ako po ay naloko online."

Sinubukan niyang kontakin ang seller ngunit "cannot be reached" na ito, at blocked na rin siya sa page.

Hindi lang si Lea ang natangayan ng pera dahil sa scammer na seller, nabiktima rin ng Queen Jewelry Gold Co PH ang nurse aide na si Adonis de Gracia, mula sa Cebu.

Gagamitin daw sana niya ang ginto para makaipon ng pera para sa kanyang ina. Nagbayad siya ng kabuuang halaga na P24,500, na nanggaling pa sa mga benepisyo ng health workers noong pandemya. Ngunit hindi na nabalik ang kanyang pera, at wala ring dumating na alahas.

Ang single mom naman na si "Andrea" na mula sa Naga City, natangayan ng umabot sa P127,000 at hindi na rin nahabol ang nasabing scammer.

Napansin din ng mga biktima na ilang beses na palang nagpapalit-palit ng pangalan at logo ang online jewelry store na laging nakakabit ang pangalang "Queen" at "Gold."

Panoorin sa KMJS ang buong kwento at alamin ang mga payo mula isang financial planner para makaiwas sa mga scam online.


IN PHOTOS: Celebrities na nagamit ang pangalan para makapang-scam


Sanya Lopez
Scam alert
Warning
Kyline Alcantara
Fraudulent messages
Do not respond
Max Collins
Block the number
Ysabel Ortega
Do not respond or engage
Direk Mark Reyes
Scammer alert

Around GMA

Around GMA

RECAP: Team Philippines at the 2025 SEA Games
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion
Third-culture kid