advertisement
TV

Kokoy De Santos at Matt Lozano, inaming pinagdaanan ang depresyon

1 of 10

Depression

Pagbabahagi nina Kokoy at Matt, dati na nilang pinagdaanan ang depression.

2 of 10

Paniniwala

Pagbabahagi ni Kokoy, noong hindi pa niya nararanasan ay naniniwala na siya sa depression. Kwento ng aktor, "'Yung mga tropa ko at mismong kapatid ko, na-experience siya, e. So kahit pa ako mismo hindi siya na-experience pa that time, naniniwala ako."

3 of 10

Depressed ng walang dahilan

Umabot din umano sa punto si Kokoy na na-depress siya ng walang dahilan, at inamin niyang sobrang hirap ang pinagdaanan niya noon. "Parang nilalamon ka ng kadiliman and all," sabi ng aktor.

advertisement
4 of 10

Phase ng mental health

Ilang beses na ring naibahagi ni Matt ang karanasan niya sa depresyon. Sa katunayan, umabot pa sa puntong na-bash siya dahil sa isang nakakagulat na headline.

5 of 10

Sobrang lungkot

Kwento ni Matt, nagmamaneho siya noon ng 100km per hour at gusto nang ibangga ang minamaneho niyang sasakyan dahil sa sobrang lungkot, bago siya nakahanap ng magsasalba sa kaniya.

6 of 10

Savior

Nagkaroon din ng kaniya-kaniyang savior sina Kokoy at Matt. Kung si Kokoy, naging sandigan niya ang mga kaibigan at pamilya, si Matt ay itinaas lahat sa Diyos.

advertisement
7 of 10

Pamilya at kaibigan

Idiniin ni Kokoy ang importansya ng pamilya at mga kaibigan para makaalis sa depression, "Ang laking bagay, Tito Boy, na nandiyan 'yung tropa, pamilya, kaibigan, na napagsasabihan palagi."

8 of 10

Inangat sa Diyos

Samantala si Matt, inangat naman sa Diyos ang lahat para makaalis sa depression. Aniya, habang nangmamaneho noon ay may nadaanan siyang simbahan, at doon siya tumigil at nagdasal.

9 of 10

Social media

Samantala, aminado naman si Kokoy na malaki rin ang epekto ng social media sa mental health ngayon ng mga kabataan, lalo na at dahil dito ay tila lahat ay may opinyon sa personal na buhay ng isang tao. Kaya naman, pagbabahagi ng aktor, pinapakinggan lang niya ang boses na importante sa kaniya.

advertisement
10 of 10

Power to control feelings

Sang-ayon naman dito si Tito Boy, at sinabing pinipili lang din niya ang mga boses na importante sa kaniya. "I will not give anyone the power to control my feelings. 'Yung parang halimbawa, babasa lang ako, 'Ang pangit mo, hindi ka marunong mag-host, ang yabang mo, etc.' I'm not gonna allow these words to define who I am," saad ng batikang host.

Around GMA