Kokoy de Santos, record-breaker sa history ng 'Running Man'

Masakit man ang mission, hindi nagpatalo ang ating seven Pinoy Runners sa pagpapatuloy ng kanilang 'K-entertainment' race sa Goyang Awesome Town Training Center nitong Sabado ng gabi, June 29.
Maituturing na highlight sa episode ng Running Man Philippines ang extra challenging na 'Sipit, Namimilipit' mission kung saan kailangan mailigay nina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Miguel Tanfelix, Lexi Gonzales, Buboy Villar, Kokoy de Santos, at Angel Guardian ang 100 sipit sa kanilang mukha.
Nagpamalas pa ng matinding pain tolerance ang Sparkle heartthrob na si Kokoy na gumawa ng record sa mission na ito na tatatak sa history ng 'Running Man' franchise!
Ilan kaya ang sipit na naipit sa mukha ni Kokoy de Santos?
Tingnan ang ilan sa behind-the-scene moments ng high-rating episode ng 'Running Man PH' season two last June 29 sa gallery na ito!













