News

Kokoy de Santos, tinanggihan si Boy Abunda para gawin ang 'Ateng'

GMA Logo Khalil Ramos, Martin del Rosario, Thea Astley, Rita Daniela
Courtesy: Nherz Almo (left) / Ateng on Facebook (right)

Photo Inside Page


Photos

Khalil Ramos, Martin del Rosario, Thea Astley, Rita Daniela



Ibinulgar ni Boy Abunda na tinanggihan siya ni Kokoy de Santos noong unang ialok niya ang Ateng, isang stage play na ipino-produce niya kasama si RS Francisco.

“Tinanggihan ako nito the first time I offered the role,” natatawang kuwento ng Fast Talk With Boy Abunda sa press conference ng Ateng noong Martes, November 11.

Patuloy niya, “After a guesting sa Fast Talk, sabi ko, 'I'm doing a play, gawin mo.' 'Ayaw ko nga,' natatakot. Pinagtulungan namin ni Vince ito.”

Si Vince de Jesus ang sumulat ng Ateng, na nanalo ng Palanca award noong 2005.

Ilang beses daw nakausap ni Boy si Kokoy tungkol sa naturang one-act play, na magsisimulang ipalabas ngayong Biyernes, November 14 sa Rampa Drag Club sa Quezon City.

Pag-alala ni Boy, “Ang hiningi lang namin, ako, personal, 'Basahin mo lang yung material. Kapag binasa mo at ayaw mo, hindi kita pipilitin.' Pero ang una niyang reaksiyon, ayaw.

“But also, I was coming from the assumption na akala ko nag-teatro na itong si Kokoy. Only for me to realize that this is the first play he's doing, he said no. Then, he read the material. He fell in love, and he is here.”

Tinanong ng GMANetwork.com kung paano napukaw ang atensiyon niya sa talento ni Kokoy. Ani Boy, nagsimula ito nang mapanood niya si Kokoy at Elijah Canlas sa hit online series na Gameboys.

“Very impressive. I watched them, sila ni Elijah,” sabi ng batikang TV host at kilalang talent manager.

“Kami ni Vince, nung we were talking about casting this play, and we were talking about Kokoy, sabi ni Vince, 'Siya na yun, e.'

“There's something about Kokoy that is so something between Daniel Day-Lewis and Tom Hanks. It's a combination of Daniel Day-Lewis and Tom Hanks. Di ba, alam mo yung gitna nun?

“Think the insanity of Daniel Day and the precision of a Tom Hanks, nandun ang Kokoy. Di mo alam kung susuntok o hahalik. So, if you ask me how he got me by the neck, it's that quality.”

Agad na hiningi ng entertainment media ang reaksiyon ni Kokoy sa paglalarawan sa kanya ni Boy.

“Pinawisan ang ilong ko at saka kili-kili ko nang bongga,” nakangiting tila nahihiyang sinabi ng binatang Kapuso actor.

“Grabe yung marinig yun kay Tito Boy, hindi ko alam ang nararamdaman ko. Para akong nasa alapaap. At kung maririnig ko noon, siguro mape-pressure ako. Pero parang ngayon, mas lalo akong namo-motivate at ginaganahan dahil alam kong may nagtitiwala sa akin dito sa passion na alam kong gusto ko simula umpisa.

Sa parte ni Kokoy, tila napangunahan siya ng kaba kaya tumanggi siya noong una sa alok ni Boy na maging parte ng Ateng.

Paglalahad ni Kokoy, “Totoo yun, nung nabasa ko yung script talaga, noong pinaabot sa akin ni Ms Cecil ng Bubble Gang, kabado ako kasi hard copy. Siyempre, uso na ngayon soft copy.

“Ako, personally, gustung-gusto ko talaga yung hard copy simula noon kasi gustong-gusto ko yung naglulupi ako ng script, gustung-gusto ko yung tinatantusan ko. Kapag sa soft copy kasi ang ginagawa ko na lang kung ano yung mga eksena for today. Iba talaga kapag direct copy.

“So, noong na-receive ko yung script, naka-envelope pa siya, may pangalan. Gustung-gusto ko na basahin para medyo maitawid kona yung pakiramdam na kung hindi ko talaga kaya, sasabihin ko na kay Tito Boy. Kasi, ayaw kong ipilit. Gusto kong mag-play pero ayaw kong ipilit kung… Sabi ko nga kay Tito Boy, first time ko.

“Pero noong binasa ko after ng taping, nag-message ako agad kay Tito Boy. Nung nakita ko ang 'waka,' nag-message ako agad kay Tito Boy, 'Ang ganda. Pero ano ako dito?' Kasi wala akong idea. Nagustuhan ko po lahat.

“Ang naaalala ko lang, noong binasa yung script, tatlo yung characters, maganda lahat. Ang sabi ko na lang, 'Tito Boy, sino ako dun?' Kasi, okay sa akin lahat, parang game ako.”

Inamin din ni Kokoy na noong mga unang pag-uusap ni Boy, “Oo lang ako nang oo kasi gusto ko. Pero parang never pa nga ako napa-oo kasi alam ko yung commitment kapag play. Iba yung disiplina. May disiplina ako, oo, pero iba kasi kapag play. Kapag sinabing teatro, 'okay po,' may ganung feeling. Ito okay, totoo na, nasa presscon na ako.”

Related gallery: Award-winning actor Kokoy De Santos, may takot pagdating sa love at career

Kinumusta ng GMANetwork.com si Kokoy tungkol sa experience niya ngayong puspusan na kanilang paghahanda para sa Ateng.

Sagot niya, Masaya. Sobrang thankful ako na itong team na 'to yung nag-introduce sa akin sa play. Hindi ko ma-imagine kung iba. For sure, ganun din naman, sila pa nagsasabi sa akin, 'Hindi naman, mababait naman.'

“Hindi ko lang alam kasi iba ang treatment nila sa akin since day one. Talagang ginabayan nila ako. Sobrang happy ako kasi first time ko 'to, e.

“Yung mga nalalalaman ko noon sa pag-arte, nung pag-apak ko dun sa kuwarto kung saan kami nagre-rehearse, tinapon ko lahat. Kung ano ang mga matututunan ko rito, yun ang ia-absorb ko.

“Then, kung magtuluy-tuloy, doon lang ako hahanap sa mga natutuhan ko dati. Ia-apply ko baka sakaling mag-work.”

Ayon kay Kokoy, bagamat pinangarap niya, hindi niya na-imagine ang sarili na minsang tutungtong sa entablado para maging bahagi ng isang stage play.

Kuwento niya, “Hindi ko lang siya na-visualize na nandun talaga ako sa entablado. Ako mismo, kapag nanonood ako ng play, hindi man palagi, naa-amaze ako. After ng play, parang hindi ko nai-imagine na nandun ako kasi iba yung preparation nila, e. Ito pong ginagawa namin, 'Ah, ito pala yun,' na-excite nga ako, e.”

Sa huli, tinanong si Kokoy kung handa na siya sa unang pagsabak niya sa teatro.

Tugon niya, “Hindi ko masabi kasi mas excited ako. Never natin masasabi na nandun na tayo hanggang nandun na tayo sa pagkakataon na yun.

“Kasi, hanggang ngayon, kinakabahan pa rin ako, what more sa araw na yun. Pero ang masasabi ko lang po, looking forward na ako na magsimula na.”

Bukod kayu Kokoy, mapapanood din sa Ateng sina Dyas Adarlo, Jason Barcial, IO Balanon, Vince De Jesus, at Thou Reyes.

Mapapanood ang one-act play sa Rampa Drag Club, Tomas Morato Extension, Quezon City, simula Nobyembre 14 hanggang Disyembre 7 (tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo) sa ganap na 7:00 ng gabi.

Samantala, tingnan dito ang iba pang mga Kapuso actor na sinubukan na rin ang magtanghal sa teatro:


Aicelle Santos
Ken Chan
Eula Valdez
Garrett Bolden
LJ Reyes
Christian Bautista
Anthony Rosaldo
Thea Astley
Eugene Domingo
Lotlot De Leon
Derrick Monasterio
Rita Daniela
Mark Bautista
Khalil Ramos
Marian Rivera
Iya Villania-Arellano
Tom Rodriguez
Martin del Rosario
Brianna
Elijah Alejo

Around GMA

Around GMA

19 areas under Signal No. 1 as Wilma approaches Samar Island
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU