Kontrobersyal at trending quotes ng celebrities ngayong 2020

Kasabay ng iba't ibang trahedya at krisis na naranasan ng bansa ngayong 2020 ay ang mga kontrobersiyang kinasangkutan ng ilang celebrities.
Nasangkot sila sa kontrobersiya at nag-viral dahil sa kanilang mga binitawang pahayag sa mga panayam at social media posts.
Dahil sa mabilis na pagkalat ng mga balita sa social media, may ilan ang naging tampulan ng pangungutya, naging inspirasyon sa marami, ikinatuwa ng netizens, naging sentro ng iba't ibang uri ng memes at marami pang iba.
May mga isyung madaling nawala sa radar ng publiko at mayroon namang patuloy pa ring pinag-uusapan.
Narito ang ilan sa mga tumatak at naging viral na mga pahayag ng celebrities, na nakatanggap ng magkakahalong reaksyon mula sa publiko:












